“Anong ginagawa mo dito? Sinong nag papasok sayo? Anggieeeee……..Anngggiiieee!” gulat na sita ni Chelsea sa lalaking nakaupo sa may sofa. Napatayo si Adrian ng makita ang asawa mula sa pagkababa sa stairway. Kinabahan sya sa maging reaction ng asawa, ayaw Nyang ma stress ito pero di na nya kayang di makita at makasama ang asawa ng matagal. Kaya nga kinausap nya si Akiesha, Mabuti nalang at pumayag itong makapanhik sa bahay nito. “Aaattteeeee….bakit po? Anong nangyayare? May sunog po ba? O di kaya manganganak ka na po ba ate? Tatawagin ko na po ba si sir Andrie at mam Akiesha?” sunod-sunod na tanong ng kasamabahay na si Anggie, gulat pa ito at napatakbo ng humiyaw ng pagkalas-lakas si Chelsea. “Sshhhh…ano ba Anggie! Walag sunog at hinde pa ako manganganak! Ano ba!” tila na iritang usal ni

