Ayeza Blythe's POV Simula kaninang umaga hanggang ngayon hapon hindi na ako kinikibo ni Ryle. Tahimik lang siya hanggang ngayon. Umuwi ako kaninang madaling araw dito nang tulog na siya tapos nang magising siya, hindi na niya ako masyado pinagkakausap kaya ngayon mukha akong tanga na pinapanood siya habang nilalaro ang cellphone ko. Hindi ko na kaya ang pananahimik niya at pag dedma sa akin. Hindi naman ako basta kung sino lang para dedmahin niya ng ganito. Ako ang girlfriend niya at kung may problema dapat sinasabi niya agad sa akin. "Ryle," pagtawag ko sa kanya pero hindi man lang siya lumingon sa akin. Tumayo ako sa pagkakaupo sa gilid ng kama at naglakad papalapit sa kanya. Tumabi ako sa kanya sa pagkakasandal sa headboard ng kahoy kong kama. "Ryle, may problema ba?" tanong ko

