Hindi ko maiwasang mapa-irap nang makita kong pumasok si Louise ng bahay. I studied her from head to foot. She's just wearing skinny jeans and a body-hugging shirt kaya napatikwas ang kilay ko. Sabi ko na nga ba, inaakit niya si Alex. "Hi Cam!" nakangiting lumapit sa akin si Messie at hinalikan ako sa pisngi. "You're......you're huge!" ngumiti lang ako pero sa totoo lang, gusto kong busalan ang bibig niya. Obvious na ngang malaki ako, talagang pinagsigawan pa! "She's giving birth soon, that is why," lumipat ang mga mata ko kay Louise na nakangiti din sa akin. No matter how sincere her smile is, naiinis pa rin ako sa kanya. "Hi, Cam. Nice to see you again." Umungol lang ako pero hindi ako nagsalita. Hinanap ng mata ko si Alex na palabas mula sa kitchen. "Ladies, wanna eat first? Hinanda

