"OMG! OMG! OMG!!!!!!" Kinikilig na pumasok ng classroom si Pinky. "I am going to faint! Saluhin nyo ako! Saluhin mo ako Gregory!" nagkatinginan kami ni Cameron at natawa nang umarte ito na hihimatayin. Kunwari naman ay inalalayan siyang paupuin ng mga alipores niya. "He smiled at me....." and giggled. "He likes me!" "Sino ba ang sinasabi mo, Pinky? Kanina ka pa diyan nag-sasalitang mag-isa!" inis na tanong ni Messie. Tumingin siya sa gawi namin. Unlike before that she always had that annoyed look on her face every time she's looking at us, now she's smiling from ear to ear! "Strange," I shook my head and return my eyes to my notes. "The blue-eyed angel......." napatuwid ako ng upo. "He asked me where the Principal's office is," napalingon ako sa kanya. "Sana mag-transfer siya dito!" a

