"We need to tell Cameron," I looked at Mason who is holding my hand. "She has to know. Mahirap nang sa iba pa niya malalaman." "She already knows," nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi ko akalain na malalaman agad iyon ni Cameron. "Anong sabi niya? Kinausap mo na ba?" Pero umiling lang siya sa akin. Bumagsak ang balikat ko at sumandal sa kinauupuan ko. "Magagalit siya sa atin." Natatawang umiling si Mason. "Of course not! I know Cam very well. Magtatampo, oo pero ang magalit, hindi. Masyadong mabait iyon para magalit sa atin. Isa pa, alam naman niyang gusto natin ang isa't isa so malamang, hindi na siya nabigla sa nalaman niya." Humarap ako kay Mason at hinawakan din ang kamay niya. "Kahit na, Mason. Dapat sa atin pa rin iyon nanggaling kasi kaibigan natin siya eh." "We will tell h

