4

2624 Words
Trenta y uno Pumayag naman si Mama Sam na isama ko si Lemar sa midnight show ko. Nag-give way naman si Jake. Nagkabati na rin silang dalawa.   Alas-dose.. umusok ang entablado. Dumilim ang palibot.    "Ladies and gaymen! Please welcome to the Xpose Bar Midnight Show.." announcement ng DJ. "Enjoy the night.. Enjoy these two horny boys-- Mr. Hardlong and Mr. X."   Lumabas na kami ni Lemar. Naka-suit kami. Nakamaskara siya, ako hindi. Rumampa kami na parang model ng kasuotan. Tapos, lumabas. Tapos, bumalik na naka-underwear na lang. Rumampa uli kami.    Naka-mask pa rin si Lemar.    Maya-maya, nag-iba ang music. Naging nakakalibog! Hinintay ko na gawin ni Lemar ang sinabi niya sa akin..   Nagulat ang lahat nang maglabas si Lemar ng balisong. Itinutok niya iyon sa akin. Mula sa aking leeg, gumapang ang dulo niyon sa aking dibdib hanggang sa aking ulo sa baba.    Umurong ako, hanggang makasandal ako sa tubo na naka-steady sa gitna ng entablado. Ibinalik niya sa leeg ko ang patalim, saka niya hinagod ng kanyang mga daliri ang dibdib ko. Nasarapan ako. Kakaibang sensasyon ang naramdaman ko.   Ibinaba niya ang kamay niya hanggang makarating sa aking alagang nagpupumiglas. Nilaro niya ito. Masarap. Halos, umungol ako..   Maya-maya, nasa likod ko na siya. Niyapos niya ako at sinimulang ipasok ang kanyang kamay sa undie ko.. Nagpupumiglas ang sawa doon, lalo na nang idampi niya ang kanyang mga kargada sa behind ko. "Oh, Hector.." bulong niya.. "Ang sarap mo pala.."   Nakakadala..   Ilang sandali ang lumipas, binitiwan na niya ang patalim at tinanggal niya ang kanyang mascara, ngunit agad naman niyang tinakpan ng malapad niyang palad.Tapos, humarap siya sa akin at idinikit niya ang sawa niya sa sawa ko. Ikinaskas niya sandali..    Bago siya patakbong lumabas ng entablado, sinipsip niya ang n****e ko..   Lumabas din ako na hawak-hawak ang patalim at ang maskara..   Narinig kong ang salitang ‘more' mula sa mga customer. Nagustuhan nila ang performance ni Mr. X.       Trenta y dos Natuwa si Mama Sam sa ginawa ni Lemar. Sa unang pagkakataon ay pinuri siya ng aming floor manager. Maganda daw kasi ang impact ng performance niya. Binati niya rin ako. Sabi ko, idea lahat iyon ni Lemar. Pinagbigyan ko lang ang hiling niya.    Malaki naman ang kinita ni Lemar. Nagpasalamat nga siya sa akin nang mag-uwian na kami.    "Walang anuman, Pre." Tinapik ko pa ang likod niya. "Pa'no? Una na ako."   "Sandali lang. Magkape muna tayo."   "Sige."    Nilibre niya ako ng almusal at kape sa isang food chain.    Habang kumakain kami, saka ko lang naalala ang cellphone sa knap sack bag ko. Nang buksan ko, maraming message. Isa doon ang text ni Lianne. "Musta?" sabi niya. Alas-otso trenta y dos ng gabi kagabi pa iyon.   Agad akong nagtext. "Sori 4 d very late reply.. Mbti nmn aQ. Kaw?"   Hindi siya nagreply sa loob ng limang minuto, kaya tinawagan ko. Nag-ri-ring, pero hindi niya sinagot. Alas-singko na rin naman ng umaga. Kaya, tinawagan ko si Paulo.   "Hello, Hector?!"    "Hello! Kumusta si Lianne?"   "Mabuti naman siya."   "Nag-text siya kagabi. Ngayon ko lang nabasa at nasagot. Tumatawag ako, di naman niya nasagot. Saan kaya siya ngayon?"   "Baka, tulog pa.. Sabi niya kasi kagabi.. start na ng work niya."   Natuwa ako. "Talaga? Saan daw siya nagwowork?"   "Hindi niya sinabi. Sabi niya lang.. call center."   "Mabuti naman kung ganun. Pareho na kaming call center agent."   "Oo. Natuwa nga ako. At least, di ba?"   "Oo nga, eh. Sige, pakisabi na lang.. tumawag ako. Pauwi na rin ako."   "Sige, ingat ka.."   "Sorry, na-disturb ko yata ang tulog mo."   "Okay lang, basta ikaw. Bye."   Natuwa ako sa balita ni Paulo. Kaya lang, malabo na kaming magkita. Pareho na kaming nocturnal workers.    "Sino 'yung Lianne, Pare?" Nagulat ako sa tanong ni Lemar.   "Ah, yun ba? Kaibigan ko.. Salamat sa almusal, ha. Congrats din!"   "Tuloy ba natin, mamaya?"   "Ang alin?"   "Ang show.."   "Ah.. pwede bang si Jake naman? Salit-salitan kayo.." Nakita kong nalungkot si Lemar.   "O, sige.."       Trenta y tres Apat na oras pa lang ang tulog ko. Nagutom kasi akong bigla.    Pagkakain, hindi pa rin ako dinalaw ng antok. Kaya, naisipan kong itext si Lianne. "HelLo, LiaNne! Musta k n? MustA ang  work U?"   Naghintay ako ng ilang saglit.    "HellO, heCtOr! D q yta kkyaniN. mhraP!" reply ni Lianne.   Wala akong alam sa call center. Pero, alam kong mahirap talaga ang trabaho niya lalo na't nag-aaral pa siya sa hapon. Kaya, sabi ko: "Gnun tlgA s uNa. Kya mO yn! MssNay k rn. gnYan dn aQ dti."   "Oo. I'll try. I hve no choice."   "That's ryt! pWde b ktang dlawin s workplace mO?''   Antagal bago nakapagreply si Lianne. "D pwde. Bgo p lng aQ.. mybe nxt tym.."   "ok. sna mgkta mn lng tyO mmyA bgo.. mis n kTa.."   "BuSy aq msydO for daT.."   "kht sndaLi lng..please!"   "Bkt? y r u doing dis 2 me? gs2 mko?"   Nagulat ako sa reply niya. "Oo. Gusto kita. Gusto kitang mahalin."   "d mko pwdng mhlin.. :("   "But y?"    "Bsta.. Bye"   Tinawagan ko siya pero di niya sinagot. Napakamisteryoso niya. Kung di ko siya pwedeng mahalin, bakit? Hindi naman niya sinabi. Hindi niya ako sinagot..   Tinext ko si Paulo. Pinaamin ko siya kung may boyfriend na ba si Lianne.   "Wla. Db snbi Q n sau na mtgal n syang wlnG bf.."   "oK. bka nsakTan lng sya dun s breakup nlA.'   "pwde. pero, s tngin ko, priority nya ang studies at ang aMa nia.."   Siguro nga. Hindi na ako nag-usisa. Pero, desidido pa rin akong suyuin siya.       Trenta y kuwatro   Nagising ako bandang alas-kuwatro trenta y kuwatro, pagkatapos kong umidlip uli. Hindi na mabigat ang ulo ko. Pero, hindi pa rin mawala sa isip ko si Lianne. Nagtatanong pa rin ako kung bakit di ko siya pwedeng mahalin. Pero, nang maalala ko ang midnight show namin mamaya ni Jake. Tinext ko siya. Wala pa kasi kaming ni-rehearse.   "Akala ko, d n ako ang partner mo mmya." reply ni Jake.   Pinaliwanag ko sa kanya ang usapan namin ni Lemar. Nang malinawan siya, niyaya ko siya sa bahay para mag-practice kami. Nakarating naman agad siya.   "Kuya, ang ideya ko ngayon.. baka di mag-click."   "Try natin. Ano ba yun?"   "Sasayaw lang tayo. Ayaw kasi ni Caren na ganun ang ginagawa ko. Pinayagan na niya akong maging waiter sa Xpose, pati ba naman daw kababuyan ay gagawin ko pa."   "Ah, ganun ba? Pinaalam mo pala. Sige."   "Yung pagsasayaw natin mamaya, di pa rin niya dapat malaman."   "Tama yun. Wag mo nang ipaalam. Di na niya ‘yun malalaman. Sabihin mo, waiter ka lang talaga."   "Sige, Kuya.."   Nag-practice na kami. Hindi pa siya ganun kagaling gumiling. Nakikita ko na mabo-boo kami mamaya. Tinuruan ko siya. Sumusunod naman, kaso lang kulang pa rin. Matigas pa ang katawan niya.    Bahala na, naisaloob ko.        Trenta y singko Na-boo nga kami ng mga customer nang magsayaw na kami ni Jake. Pero, habang hindi pa tapos ang show namin. Binulungan ko siya na gawin niya uli ang una niyang ginawa sa akin. Ayun, nagustuhan ng mga parokyano ang ginagawa niyang paghagod sa katawan ko habang gumigiling ako. Nasa likod ko siya. Hinagod-hagod ko rin ang mga hita niya habang kinakaskas niya ang ari niya sa likuran ko. Tapos, tumagilid kami pareho sa audience. Braso na lang namin ang nakikita nila at ang mga umbok namin na nagbabanggaan dahil pinagsasabong namin ito.   Libog na libog kaming dalawa. Kaya, lumuhod siya. Nakatalikod siya sa manunuod. Ako ang nakaharap. Iginiling-giling ko ang balakang ko at dinidikit ko ang manoy ko sa kanyang bibig. Kitang-kita ko ang mga malilibog na reaksiyon ng mga nasa upuan. Nakita ko rin ang pagpasok ng babaeng Muslim. Nakatalukbong ito ng itim na alampay.   First time yatang may pumasok na babaeng Muslim sa Xpose, naisip ko. Baka, magustuhan niya ako, kaya ginalingan ko. Tumagilid kami para makita naman si Jake. Mas ginalingan pa ng partner ko ang pag-arte. Maya-maya, nang marinig na namin na malapit nang matapos ang music, unti-unti na niyang nilalabas ang ari ko sa pagkakatago. At, bago natapos ang tugtog, naisubo niya ito. Nagulat ako, pero hindi ko ipinahalata.    Naunang lumabas si Jake ng entablado. Ako ay sumayaw pa ng sandali habang nakalabas ang akin. Nagulat ako sa pagkawala ng babaeng Muslim sa kanyang upuan.        Trenta y sais Natulog akong may ngiti sa labi at kaligayahan sa puso. Muli na naman kasing pinatunayan ni Jake ang husay niya sa performance. Hindi pa man siya mahusay sa paggiling, magaling naman siyang magpalabas ng kalibugan para sa mga nanunuod. Kaya naman, kumita siya kanina ng mahigit-kumulang tatlong libo sa mga tip pa lang.    Magkakasunod na doorbell ang gumising sa akin, bandang alas-diyes trenta y sais ng umaga. Padabog akong bumangon para alamin kung sino ang nasa labas. Si Jake pala.   "O, Tol? Napasugod ka?" tanong ko habang kinukusot ko ang mata ko.   Nakapasok na kami ng bahay nang nagsalita si Jake."Si Caren, Kuya.." Nakita kong mugto ang mga mata niya. "..iniwan niya ako."   "Ha?" Hindi ako makapaniwala.    Inabot niya sa akin ang isang papel. Reseta ng doktor ni Caren. Sa likod nito ay isang sulat. Agad ko itong binasa.   Mahal na mahal kong Jake, Nasaktan ako ako sa pagsuway mo sa kagustuhan ko. Hindi mo pa rin ako sinunod. Kaya, mula sa araw na ito, hindi mo na ako makikita. Paalam sa'yo, Jake. Mahal na mahal kita, pero hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko sa'yo, dahil hindi mo mahal ang sarili mo. Binababoy mo ang sarili mo. Nawala ang respeto mo sa sarili mong katawan at pagkatao. Kinaaawaan mo lang ako. Hindi mo ako mahal. Kaya bago ka pa malubog sa kamunduhan, aalis na ako sa buhay mo. Huwag mo na akong hahanapin o susundan. Kaya ko namang pagalingin ang sarili ko nang hindi umaasa sa'yo.  Mag-iingat ka lagi.. Caren   Niyakap ko si Jake nang makita kong humahagulhol."Tama na, Jake. Pagsubok lamang 'to."         Trenta y siyete Kinausap ko si Jake nang mahinahon na siya at hindi na umiiyak. Nalaman ko sa kanya na hinanap niya na pala si Caren sa mga posibleng puntahan— sa bus terminal, sa mga kapitbahay at kung saan-saan pa.    Sinabi ko rin sa kanya ang misteryosang babae sa Xpose kagabi na akala ko ay Muslim. Si Caren na raw iyon. May balabal nga daw siyang itim.    "Anong plano mo ngayon?" tanong ko. Nakatingin siya sa kawalan.    "Hindi ko alam, Kuya.. Siya kasi ang inspirasyon ko.. Paano pa ako magtratrabaho kung wala na siya?"   "Hindi pa tapos ang buhay mo, Jake. Iniwan ka lang niya..."   "Iniwan nga! Para na rin niya akong kinitilan ng buhay. Ang sakit, Kuya!"   "Nasaktan din naman siya. Although, hindi ka niya naunawaan pero mas higit siyang dapat na masaktan dahil sinabihan ka na niya.."   "Gusto ko lang naman na maipagamot siya.. maipatingin sa magaling na doktor.."   "Oo, nandyan na tayo. Babae siya,e . Ganun niya tingnan ang bagay na ginagawa natin. Hindi niya tayo naiintindihan. Para sa kanya, kababuyan. Pero para sa atin, ginhawa.."   "Siya ang unang babaeng minahal ko, Kuya. Ako rin ang unang lalaking minahal niya. Pinaglaban namin ang isa't isa. Pero, bakit ang ganitong bagay ay hindi niya kayang tanggapin?"   "Madumi nga tayo, Jake.. Hindi pa tayo tanggap ng iba, ng karamihan.."   Umiiyak na naman si Jake. Nauunawaan ko silang pareho. Naiisip ko rin na baka mangyari rin ito sa akin. Matatanggap kaya ako ni Lianne? Marahil ay hindi. Kaya tama lang na nagsinungaling ako.       Trenta y otso Dahil sa nangyari kay Jake, naging malumbay ako. Posibleng mangyari sa akin ang nangyari sa kanya. Maging kami man ni Lianne, malalaman at malalaman niya pa rin ang trabaho ko. Sa tingin ko, si Lianne ay katulad ni Caren.   Hinayaan ko na lang matulog si Jake sa bahay. Hindi ko na muna siya pinapasok. Ako na ang magpapaliwanag kay Mama Sam.   Dahil hindi na rin ako makatulog, pumasok ako ng maaga. Tinext ko si Lemar na pumunta na agad sa Xpose para makapag-rehearse kami.   Halos, sabay kaming dumating sa bar.    Pagkatapos kung maipaliwanag kay Mama Sam ang nangyari kay Jake, nag-usap na kami ni Lemar. Hindi ko na sinabi sa kanya ang tungkol doon. Para kasing di naman niya pahahalagahan. Galit pa rin siya kay Jake.   "Anong gagawin natin mamaya?" tanong ko kay Lemar. Kami pa lang ang tao sa dressing room.   "Tuloy natin 'yung nakaraang gabi.." Ngumisi siya. "Masarap ba?"   Natawa ako. "Hindi, e!"    "Gago! Libog na libog ka nga, e!"   "Pa'no mo naman nasabi?"   "Wala.. narinig ko lang ang ungol mo.."   "Ulol!" Tawanan kami."Seryoso, Pare.. Ano nga ang gimik natin mamaya?"   Nag-isip siya. Pagkatapos ng ilang minuto.. Pinahiga niya ako sa lamesa. "Mamasahein kita. Ganito.." Nagsimula siyang i-massage ako sa likod. Mahusay siya. Halos gusto kong pumikit at matulog.   "Pwede bang ituloy mo? Matutulog lang ako saglit.."   "Sige.. Akong bahala.."   Hindi naman ako nakatulog. Nakapikit lang ako. Pinakiramdaman ko na lang siya. Hindi ko siya nakikita pero, nararamdaman ko ang umbok niya na kinakaskas niya sa puwet ko. Nakapatong na kasi siya sa akin. Gusto kong tumanggi  pero dahil trabaho, hinayaan ko na lang siya. Huwag niya lang ipapasok.        Trenta y nuwebe Marami ang tinatayuan ng ano sa performance ni Lemar kanina. Balewala na nga ako. Pinahiga niya lang ako. Minasahe. Pinatihaya. Hinimas. Yun na! Siya talaga ang nagdala ng show. Mahusay. Kaya naman, malaki daw ang kinita niya sa tip. Marami ang nagtable sa kanya. Ako naman, tama lang. Wala kasi akong ganang mang-arouse. Apektado pa rin ako sa problema ni Jake. Natatakot ako para sa sarili ko. Baka wala ng babaeng magmahal sa akin kapag malaman nila ang uri ng trabaho ko.   Alas-sais trenta y nuwebe, nasa kalsada ako. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Ang alam ko lang may nais akong marating. Gusto ko nang tumakas sa mundo ng kalibugan. Nandidiri na ako sa sarili ko. Hindi ito ang pangarap ko. Kaya nga nagsumikap akong mag-aral at makapagtapos para maabot ko ang pangarap ko. Hindi sa ganitong paraan. Tama si Caren..    Napadaan ako sa Axis Maritime Agency. Nahanap ko na ang hinahanap ko!   Babalik ako one day para mag-inquire. Gusto kong makasakay ng barko. Twenty-two pa lang naman ako. Hindi pa huli ang lahat.    Naglakad uli ako. Sa kahabaan ako ng Ermita napadpad. Nakarating na ako sa lugar na ito dati.    Sa aking paglalakad, nakita ko si Paulo sa tapat ng Cherry Blossoms Club, isang panlalaking club. Kausap niya ang isang babae na nakatalikod sa kalsada. Nang makita ako ni Paulo, nagmadali ang babaeng kausap niya na pumasok sa club na hindi lumingon saan man. Tapos, kinawayan at nilapitan niya ako.   "Hello, Hector! Why are you here?" bati niya sa akin. Tumingin pa siya sa direksyon ng club. Wala na ang babaeng may highlights ang kinulot-kulot na buhok. Hula ko, isa iyong GRO.   "Ikaw? Bakit ka andito? Sino yung kausap mo?" Nagduda talaga ako.   "Ah..e, nagpagtanungan ko lang. Hinahanap ko kasi ang.. ang.. Nag-breakfast ka na?"   "Ang alin ang hinahanap mo?"   "Ang agency ng ate ko.."   Hindi pa rin ako napaniwala ni Paulo. Parang may tinatago siya. Gayunpaman, pinaunlakan ko ang imbitasyon niyang ililibre ako ng almusal.       Kuwarenta "Salamat sa breakfast!" sabi ko kay Paulo, pagkaalmusal namin. Tapos, nagpaalam na siya. Bumalik naman ako sa Axis.    Marami nang applicants ang mga nakapila pero hindi pa bukas ang agency. Naghintay ako saglit. Nag-observe lang ako. Wala pa akong experience sa pag-a-apply. Ngayon lang ako nakapunta sa maritime agency. Ako lang yata ang naroon na wala man lang bitbit na credentials. Nag-i-inqure lang kasi ako.   Nakipag-usap ako sa isang aplikante. Makasakay na raw siya. "Magkano kaya ang gagastusin ko, pre?"    "Kung may mga papeles ka na, mga kuwarenta mil, okay na. Makakaalis ka na." sagot ng kausap ko.   Natuwa naman ako dahil kayang-kaya ko pala ang gastusin. May mahigit kuwarenta mil na akong ipon.    "Hector!" tawag sa akin ng isang lalaking naka-fedora cap. Nang tinanggal niya ito sa kanyang ulo, saka ko lang siya nakilala.   "Humprey!" Nagulat ako sa astiging porma ng dati kong kaklase at kabarkada. Ibang-iba na siya manamit.   "Musta? Long time no see.'' Nakipagkamay pa siya sa akin.   "Oo nga, e! Mabuti naman ako. Ikaw?"   "Ayos lang din. Nakasakay ka na?"   "Hindi pa nga, eh. Mag-i-inquire pa lang.."   Nagulat si Humprey. "O, bakit? Ikaw pa naman ang expected kong makakasakay kaagad at magiging kapitan.."   Tumawa muna ako. "Ganun talaga.. Hindi ako nagpursige. Ngayon ko lang naisipan."   Lumayo kami sa mga aplikante. "Dapat noon ka pa, nag-apply.. Ako, pabalik na uli.."   "Oo nga. Naghihinayang nga ako.. Nakakahiya tuloy sa'yo.."   "Wag mong isipin yun. Ikaw na ang nagsabi, ganun talaga.. Dati, nangongopya lang ako sa'yo.." Tumawa pa si Humprey. "..ngayon.. look at me." Nilahad pa niya ang mga braso.   Hindi naman ako nayabangan sa kanya. Sanay na ako. "Asensado ka na nga, e.'' Malaki naman talaga ang improvement sa kanya. Dati, patpatin siya. Maitim pa at hindi kagandahang lalaki. Iba talaga ang nagagawa ng pera.    Lalo akong nag-crave na makasakay rin ako ng barko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD