(Seighfred) Hindi ko napigilan ang paglandas ng aking mga luha nang nakita ko ang larawan ng kambal habang nasa loob ng incubator, naka- oxygen, na para bang nakasalalay sa aparatu ang kanilang buhay. Hawak ko ngayon ang report na pinaimbestigahan ko kay Harold. Gusto kong malaman ang halos lahat ng impormasyon tungkol sa kambal kong mga anak, pati na kung paano sila ipinanganak. Ayon sa report, seven months lang ang kambal nang isilang ang mga ito. Dahil sa stress at depresyon, kaya napaanak ng wala sa oras si Afiah. Sunod- sunod lang ang pagpatak ng aking mga luha. Wala akong pakialam kahit basang- basa na ng luha ang aking mukha. Sinisisi ko ang aking sarili. Wala ako sa tabi ni Afiah nung mga panahon na yon, habang ipinagbubuntis pa nya ang mga anak naming dalawa. Kung kailan ka

