Napaurong si Seighfred habang nakatingin sa magkakambal nasa kanyang harapan. Bakit kamukha nya ang dalawa? Anak ba sila ni Nicollo? May nabuntis ba si Nicollo na itinago nito? Pero, mas kamukha ko silang dalawa. Nagsingabot naman ang makapal na kilay ng dalawang bata habang nakatingin sa kanya. Halata sa mukha ng mga ito na hindi nagustuhan ng mga ito ang kanyang mukha. Hindi nya maintindihan ang kakaibang pagpintig ng kanyang puso. Parang kilalang- kilala ng kanyang puso ang mga ito. Binitawan nya ang dalawang bata. Titig na titig sya sa mga ito. Hindi nya maintindihan ang kanyang nadarama. Bakit gusto nyang yakapin ang mga ito? Bakit parang gusto nyang maiyak? "Hey old man, bakit ganyan ka makatingin sa amin?" Tanong ng isa. Kunot- noo ito. "Who are you, guys?" tanong nya sa ma

