Tinanghali ng gising si Precia. Nahirapan siyang matulog dahil sa sobrang saya. Kung puwede nga lang na magdamag silang magkasama ni Kian. Napatingin siya sa digital clock sa gilid. It's almost ten! Siguro hapon pa pupunta si Kian, isip-isip niya kaya mabagal lang ang kaniyang ginawang pagkilos. Nagbabad siya sa banyo ng thirty minutes. Sinigurado niyang na-absorb ng kaniyang katawan ang lahat ng minerals and moisturizer from the products that she used. Napangiti siya nang humarap siya sa salamin. "I'm getting sexier," anas niya nang makita niya na nadagdagan na ang sukat ng kaniyang hinaharap, ganoon din ang kaniyang balakang at bandang puwetan. Natawa siya kalaunan. Well, sino pa ba ang unang pupuri sa kaniyang sarili kundi siya lang din. Sabi nga, you are your own fan. Nagma

