"Wanna drink?" I asked. Umiling siya kaya natawa ako. "Bakit? Hindi na kita tatakasan ulit." He laughed hard. Napailing siya at ngiting-ngiti na tumitig sa akin ng ilang segundo. "What?" tanong ko naman. Kinikilig at dahil nag-iinit ang aking pisngi sa paraan ng paninitig niya, napaiwas ako ng tingin. "Hindi lang ako makapaniwala na engage na tayo. Kung sinukuan mo na ako, siguro hanggang ngayon nanunuyo pa din ako." Napatitig ako sa kaniya. "Nagdasal ako. I pray harder each day. Kung hindi tayo para sa isa't isa, tulungan Niya sana akong mag-move on na. Pero hindi iyon nangyari, dahil tinadhana talaga Niya tayo para sa isa't isa." Lumapit siya sa akin at walang ano-ano na siniil ako ng halik. Niyakap niya din ako ng mahigpit. Ramdam ko ang pagkabasa ng aking pisngi dahil sa kani

