Umalis na muna ako pansamantala sa upuan ko upang i-check ang mga babies ko. Maya-maya ay uuwi na sila, kasama sina Mommy at Daddy. Mag-stay muna kami ni Ardent dito ng mga one to three hours dahil may mga ilang mahalagang tao sa negosyo ang nagsabi na mahuhuli ng dating. Ito na lang ang maaabutan nila. Nag-pump na din muna ako habang nilalaro ko ang kambal. May kausap si Ardent kaya hinayaan ko na muna din siya doon. "Na-miss niyo si Mommy?" magiliw kong tanong sa mga babies ko na nakahiga sa kama. "Madami pang pagkain, kumain kayo nang kumain," sabi ko sa mga yaya ng kambal. Dinalhan sila kanina ng mga waiter dito. Kung ano ang naka-serve sa labas ay mayroon din lahat dito. Lumabas din naman sila kanina, kaso naiingayan ang kambal kaya hindi din sila nagtagal doon. "Busog na po

