NAG-IIYAK si Precia, kaya hindi kami makaalis-alis. "Dadalaw naman kami sa inyo sa US," sabi ni Yunnie. Yakap niya ang bata na namumula na ang buong mukha dahil sa pag-iyak. Nakiyakap na din sina Mommy at Daddy sa kaniya. Alam kong maging sila ay malungkot. Nasanay na kami na kasama ang isa't isa, pero kailangan naming mag-adjust ulit dahil ito ang hinihingi ng pagkakataon. Sana makabalik din kami agad. Gagaling si Mama, I know she will. May tiwala din ako sa Panginoon na pagagalingin niya ito. Niyakap din siya ni Lolo. "Don't cry, baby... Everything will be alright. Maganda sa US, makakapasok ka din sa maganda at malaking school. You will learn a lot in there," pang-aalo niya sa apo. "But you're not there, Lolo. I'm gonna miss you all. I'm gonna miss my friends too." Wala si Ge

