BERYL After school ay dumiretso ako sa mall kung saan kami magkikita ni Daddy. Sina Ardent at ang mga bata naman ay on the way na daw. Si Ally ay kanina ko pa tinatawagan pero hindi naman sumasagot. Ang sabi ng isa sa maid ay hindi daw ito naglalabas ng kaniyang kuwarto. Sinabihan ko na lang ang mga ito na i-check ito. Baka kasi mamaya may ginagawa na pala siyang hindi maganda. Hindi ko malaman kung malungkot, stressed or deppressed ang aking kapatid. Kaya naisip ko na mas okay siya sa mansyon ng mga Clementine, para kahit paano na-ch-check ko ang kaniyang lagay. Hindi naman kasi nag-o-open up sa akin ang kapatid ko na iyon. Siguro gusto niyang panindigan at patunayan na matatag at matibay ang kaniyang loob. Sana nga, ganoon, para hindi kami nag-aalala sa kaniya. Kahit naman ganoon

