"Puwede ba nating isama ang baby cousin ko sa US, mommy?" Napangiwi ako nang marinig ko ang sinabi ni Precia. She's so obsessed with her baby cousin. "Please, Mommy. Habang nagpapagaling pa po si Mama Yunnie..." "No, Anak..." marahan kong sagot. "Mama Yunnie and the baby will be sad. They need each other." Ngumuso si Precia. Natawa naman si Yunnie. "Baka gusto na niya ng bagong kapatid?" Napangiwi ako. Hindi pa puwede dahil CS ang kambal. Hindi pa puwedeng sundan. And besides, busy pa ako sa schooling. After schooling ay magbabalik na ako sa work, it's either sa company ng mga Clementine o ni Daddy. Hinawakan ko ang kamay ni Yunnie. Kahit paano nabawasan na ang pagkapulta niya. Pati ang pagbabalat ng kaniyang mga labi. "Magpagaling ka ng maigi," bilin ko sa kaniya. Tapos na ang b

