Hindi ako tumingin kay Roger nang magbukas ang pintuan at pumasok siya. Hindi niya hinatid si Therese. Hindi ko din alam kung paano niya ito napaalis. Baka puwersahan na ang pagpapaalis niya dito. Wala akong pakialam sa babaeng iyon. Pasalamat siya at buntis ako. Baka kung nagkataon, bibigyan ko talaga siya ng sakit sa katawan bukod sa sakit sa kalooban na dinadamdam niya ngayon. Nakatayo si Roger sa may gilid ng kama. I know that he's watching me but I didn't even bother looking back at him. Naiinis pa din ako sa kaniya. Tumikhim siya para magpapansin pero akala naman niya tatalab iyon. Hindi na siya nakatiis, sumampa na siya sa kama at naupo sa gilid ko. Hindi ko pa din siya binigyang pansin kaya bahagya siyang yumukod. Hinalik-halikan niya ang aking tiyan. Hinahalikan ang am

