"Saan mo na talaga ako dadalhin, Theon?" tanong ko habang nakapiring ang mga mata. Inaalalayan niya ang bawat hakbang ko na para bang natatakot siyang madapa ako. Sino ba ang hindi madadapa kung ang tanging nakikita mo lang ay ang madilim. Kanina habang nasa byahe kami ay wala akong ideya kung saang lupalop niya ako ng bansa dadalhin pero ang alam ko ay somewhere northern Luzon. Dahil nakatulog ako sa byahe hindi ko na alam kung nasaan na kami hanggang sa nagising akong nakapiring. Natakot pa ako kanina dahil naisip ko baka nakidnap na ako or something. Pero ng hawakan niya ang kamay ko at sinabing walang masamang mangyayari ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. "I've told you it's a secret. Don't worry, hindi ko hahayaang may mangyari masama sayo. Just trust me." bulong nito haba

