Chapter 4

1880 Words
Mariin kong pinikit ang mga mata ko pagkatapos alalahanin ang araw na ginawa ko ang isang pagkakamali. Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko ngayon. I don't have any idea , bakit pinilit akong magpakasal sa kanya. "No, Tito I have to talk to her." napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang matinis na boses ni Rose mula sa labas ng kwarto ko. "What really happened Rose, why are you so mad?" boses ni Daddy yun. Kalmado ngunit may diin ang bawat pagbigkas. I have never heard my Dad like that before. Agad akong tumakbo papunta sa pintuan at binuksan ito. "Anong nangyayari?" tanong ko. Agad na bumaling sa akin si Rose at binigyan ako ng isang nakakamatay na tingin. "I should be the one who's asking that. What happened, Alejandria? Is it true that you broke up with Jacob?" taas kilay na tanong nito. Parang may kung anong bagay na tumusok sa puso ko. Hanggang ngayon nasasaktan pa din ako sa katotohanang wala na kami. Alam ng mga pinsan ko kung gaano namin kamahal ang isa't isa ni Jacob. Isa sila sa saksi sa mga masasayang araw mula nang sinagot ko siya hanggang sa maging kami. "Yes." mahinang sagot ko. Nalaglag ang panga nito. At narinig ko ang pagsinghap ng daddy ko. Bumaling ako sa kanya at kitang kita ko ang pang unawa sa mga mata nito. "What?" pabulong na tanong ni Rose. "Tama ba ang narinig ko? Why? What happened? Did he cheat on you? Did he hurt you?" sunod-sunod na tanong nito. "You knew too much that I always on your side. Just tell me what happened. You just can't broke up with him with nothing." Yumuko ako. "I'm getting married." pag aamin ko. Sabay na napasinghap ang Daddy ko at si Rose ng paglakas lakas. "You're what, Alejandria?" mapanganib na tanong ng Daddy ko. Bumaling ako sa kanya at napalunok ng ilang beses. Alam kong hindi magiging hadlang ang papa ko sa pagpapakasal dahil nasa tamang edad na ako pero ang magpakasal sa isang taong di kilala ng pamilya ang ayaw niyang mangyari. "I'm getting married, Dad but not with Jacob." "You are unbelievable. At kanino ka magpapakasal? Eh wala ka na namang ibang boyfriend maliban sa kanya. Not unless you, cheated behind his back." sunod sunod na paratang sa akin ni Rose. Umiling agad ako. Kahit minsan hindi ko naisip na magloko sa relasyon naming dalawa ni Jacob. Ginagawa ko 'to dahil mahal ko siya. "Dad, can I talk to Rose first? After this, can we talk?" bumaling ako sa Daddy ko. Dapat ay sa kanya ako unang lalapit pero dahil komplikado pa ang sitwasyon dapat si Rose ang unang makakaalam. "Sure. Iwan ko muna kayo." he kissed my temple before he turned his back. Tapos bumaling ako kay Rose na hanggang ngayon ay medyo lutang pa din sa sinabi ko. Nilakihan ko ang bukas ng kwarto ko para papasukin siya. Kailangan naming mag usap nang hindi nagsisigawan. Sa kabila ng pagiging busy niya ay may oras pa din siyang alamin ang mga buhay naming magpipinsan. She's the oldest pero di ako nag aaddress sa kanya ng ate, she takes all the responsibility to look after us. Pumasok din siya at umupo sa kama. Nakahalukipkip siya habang nag aantay sa susunod kong sasabihin. "What now?" tanong nito. Umupo ako sa tabi niya at tiningnan siya ng malungkot. "Naalala mo yung lalaking biniktima natin last time, Rose? He bought my lies and now I'm suffering he's revenge."pagsisimula ko, napanganga ito. "When I told him it's just a f*****g prank. He got mad. And now, he kept on haunting me and forcing me to marry him, for real." "What the hell?" tanging bulalas nito. "Tapos pumayag ka din? Are you out of your mind? Pede mo naman siyang iwasan at pagtaguan eh." suhesyon nito. Sana nga ay ganun kadaling magtago sa kanya. He's an influential person, mahahanap at mahahanap niya ako. "It's not that simple, Rose. He's an influential man. Kung alam mo lang na buong akala ko ay hindi ko na siya makikita pang muli but I was wrong. Alam niya kung sino ako, san ako nakatira at sinong boyfriend ko." mas lalong nalaglag ang panga nito. Nakatunganga lang ito sa harapan ko. "Sabi niya sisirain niya ang buhay ni Jacob kung hindi ko siya hinawalayan. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa akin." huminga ako ng malalim. "Rose, noong time ba na inutusan mo akong siya ang biktimahin ko kilala mo ba siya?" "Not really. Kilala ko lang ang mukha niya dahil pinagpantasyahan siya ng mga kaibigan ko pero di ko siya kilala. When I asked you to do that thing, I never thought it will happened. I'm sorry, Alejandria. I don't know." suminghap siya at nag iwas ng tingin. Marahan akong tumango at malungkot na hinawakan ang kamay niya. "It's okay." sabi ko. Tiningnan niya ako sa mata. "No you're not okay. Paano na kayo ni Jacob?" malungkot niyang tanong. Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung paano na kami pero nakapagdesisyon na ako and that's final. Para din naman sa kanya ang gagawin ko. Marrying to someone you don't love is like watching yourself drown. "I know ,someday makakalimutan niya din ako. Mahahanap niya din ang babaeng nararapat sa pagmamahal niya. I will give up , at siguro God really made this thing possible." huminga ako para pakawalan ang nakaharang na bagay na nasa puso ko. Hindi ko na alam kung anong tama at mali ngayon, all i know is that I'm doing this because I love him. "Sana lang ay hindi mo pagsisissihan ito. I know you're smart. Basta whatever you're plan and decisions are always remember that you will always count on me. But I advice you to talk with Jacob he deserves to know the truth." tumango ako pero sa totoo lang hindi ko alam kung paano ulit sya haharapin. Pagkatapos namin mag usap ni Rose ay umuwi na din siya. Pinuntahan niya lang talaga ako para alamin kung totoo ba'ng hiwalay na kami ni Jacob. Naghugot ako ng buntong hininga habang nakatingin sa kawalan dito sa loob ng kwarto ko. HIndi pa din kami nag usap ng Daddy ko siguro ay ramdam niyang ayaw ko munang may kausap ngayon. Pero gusto ko din namang sabihin sa kanya ang mga nangyayari. He's always a very supportive father. Kahit anong desisyon ko sa buhay ay sinusuportahan niya ako. -- "Are you alright ,Princess?" napalingon ako sa dambana ng sliding door na naghiwalay sa veranda at ng kwarto ko. Nakita ko ang Daddy kong may hawak na dalawang baso ng kape. Inabot niya sa akin ang isa at kinuha ko ito mula sa kanya. "What happened?" tanong nito pagkamaya-maya'y. Bumuga ako ng hangin bago nagsalita habang nasa malayo ang tingin. "Break na kami ni Jacob." panimula ko. Pero nanatili lamang itong tahimik dahilan para mapabaling ang tingin ko sa kanya. "I know this will happened." sagot nito habang nasa malayo ang mga mata. "Is it because of a guy na pumunta dito noong isang araw?" bumaling ito sa akin. Kinagat ko ang labi ko at marahang tumango. NIlapag niya ang kape niya at niyakap ako. "All I want is your happiness, Princess. Do you love him?" maang akong napatingin sa kanya hindi ko alam kung sinong tinutukoy niyang mahal ko. "It's okay kung di mo pa kayang sagutin ngayon, basta ang nakikita ko hindi ka naman basta basta susugal kung di mo siya mahal." Kumunot ang noo ko dahil hindi ko makuha ang nais niyang iparating sa akin. Pero sapat na sa aking alam kong suportado niya ang naging desisyon ko. "I want to talk to him before he get you from me." sabi niya at kinalas ang yakap. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. " Whatever makes you happy. I am here to support you." he kissed my temple and left. Pagkatapos naming mag usap ng Daddy ko ay nakatanggap na naman ako ng tawag. Noong una akala ko ay si Theon ang tumawag dahil naka unknown number pero hindi pala. "Hello?" sagot ko. "B-Baby?" paos nitong sagot mula sa kabilang linyo. I know this voice. Napalunok ako ng bukol sa lalamunan ko nang marinig ko ang pagsusumamo sa boses nito. Pinikit ko ang mata ko para pigilan ang sarili kong wag umiyak. " Please don't do this to me. Just tell me what do to that don't break up with me. I love you so much Alejandria and I don't know how to live without you anymore." nag unahang dumagsa ang luha sa mga mata ko pero nakapag desisyon na ako. "I'm Sorry, Jacob." yun lang ang tanging nasabi ko kasi pakiramdam ko ay nawawasak ang puso ko at alam kong babasag ang boses ko pagnasalita pa ako. "f**k. I don't need your sorry Alejandria. All I want is you and you alone. You're mine and mine alone. I won't let anyone have you." biglang tumaas ang boses nito, ang malambing at malamyos niyang tinig ay nawala. Nawala ang dating Jacob na nakilala ko. Parang bigla siyang nagtransform to another person. "Kahit anong mangyari kukunin kita sa taong umagaw sa akin. Pakatandaan mo yan, Alejandria. I earned you and I won't let all my effort are useless by just a blink of an eye. You're mine." bigla akong kinabahan sa nagiging banta niya sa akin. Biglang namatay ang linya pagkatapos niya akong pagbantaan. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko na alam kung makakaya ko pa bang harapin siya lalo na ngayon alam kong galit na siya sa akin. This is all my entire fault pero wala na eh, I already broke his heart. BIglang may kumatok sa pintuan nang kwarto ko kaya kahit alam kong maga pa din ang mata ko kakaiyak ay tumayo pa din ako para buksan. Napasinghap ako ng makita ko siya sa harapan ng pintuan ko habang nasa bulsa ang dalawang kamay nito. "Anong ginagawa mo dito, Theon?" tanong ko sa kanya. Biglang naningkit ang mata nito at hinawakan ang mukha ko. "What happened to your eyes? Did you cry?" hindi ko alam kung tama ba ang narinig kong klase ng boses niya. He looked so concerned and his voice too. BIglang napunta sa mata ko ang kamay ko. "H-Hindi." sagot ko at nag iwas ng tingin. "Don't shower me with your lies, honey. What happened why are you crying?" aniya habang nag igtig ang kanyang mga panga na para bang anong oras ay manuntok nalang siya bigla. Anong problema nito? "Ano ba kasing ginagawa mo dito? Takot ka ba baka hindi kita sipotin sa kasal natin? Pwes, I'm telling you Mr. Mondego may isang salita ako. Kaya pede bang umalis ka na. I need to sort out things first." tinulak ko siya patakilod pero hindi man lang siya natinag. "I won't leave you here without knowing who's the one behind those tears." matigas nitong sabi. Huminga ako nang malalim. "Bakit anong gagawin mo sa kanya pag nagkataon? You will punch his face? Then, why don't you punch yourself. Dahil ikaw naman ang dahilan bakit ako umiiyak." biglang lumambot ang itsura nito. Hinigit niya ako palapit sa kanya at niyakap. "I'm sorry, I promised after this, I won't let you cry, anymore." bulong niya at hinalikan ako sa noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD