Chapter 2

1694 Words
"Are you alright, Baby?" naapangat ako ng tingin sa kanya habang bitbit ang tray ng pagkain namin. "Parang ang layo kasi ng iniisip mo since earlier." aniya at umupo sa harapan ko. Napalunok ako ng laway at ngumiti sa kanya ng peke. "Yeah. I'm okay. Medyo may problema lang kasi sa shop." I lied at inayos ang food namin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang problemang pinasok ko just because of one stupid game. "What about your shop? Akala ko ba ay maganda naman ang pagpapatakbo ni Anika dito. Bakit mo pinoproblema?" nagtatakang tanong nito. Kinagat ko ang labi ko at tumingin sa mga mata niya. Kitang kita ko kung paano nagtatanong ang mga ito. Gusto kong mag iwas ng tingin pero alam kong kukulitin niya lang ako hanggat di ako magtatapat sa kanya. Kakauwi niya lang galing business trip at ito ang sinalubong ko sa kanya. "M-May problema ba tayo, Baby?" malungkot nitong tanong sakin. Nag iwas ako ng mata, ayokong maglihim sa kanya at ayoko siyang saktan sa aaminin ko pero natatakot ako. Natatakot akong sabihin sa kanya dahil baka kamuhian niya ako. Inabot niya ang baba ko at hinawakan gamit ang hintuturo nito. "Look at me, Baby." pilit niya akong hiniharap sa kanya pero natatakot ako baka makita niya kung paano ako nasasaktan pagnakikita kong naghihirap ang kanyang mga mata. Nanatili akong tahimik. "Tell me, Elisha, do we have a problem. Since I get back, you've been cold and distant. What happened when I'm away?" ang kulay abo nitong mata ay parang nagmamakaawa. "I'm breaking up with you, Jacob." yumuko ako at humikbi, hindi ko maiwasan wag masaktan sa salitang lumabas mula sa mga labi ko. Pakiramdam ko ay nawawasak ang puso ko, literally. I could almost hear my heart break into pieces. Napaawang ang labi nito at may isang butil ng luhang pumatak mula sa mga mata niya. Tapos bigla nalang siyang tumawa, isang tawang hindi ko pa narinig sa kanya kailanman. "Y-Your kidding right? Tell me this is one of your f*****g game. Tell me baby it's just a lie." hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito habang nagsasalita. Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang makipaghiwalay. Dati kasi when I got into a relationship, love is just a game. I do boyfriends but I didn't go into serious one. But this one is different, I love him. Umiling ako. "I'm sorry." yumuko ako at kinalas ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nalaglag ang panga nito sa ginawa ko. "N-No. Take it back, Baby. W-What did I do that made you mad? Tell me, baby. What's wrong? Did I lose you just because I left? f**k!" pumiyok ang boses nito sa huling salita, kinagat ko ang labi ko at pakiramdam ko ay dudugo na ito sa sobrang diin ng pagkagat ko. "Excuse me." tumayo ako dahil hindi ko na kayang makita ang paghihirap niya. This is my fault because I agreed with that stupid game. I don't want to hurt him. I really do. But that guy scared me. He'll going to ruin my boyfriend's life, if I'm not going to marry him. Hindi ko naman kasi alam na maimpluwensya pala siyang tao. I don't know why he really wants me to marry him. "Elisha!" tawag niya sa akin ng nasa pintuan na ako ng café kung saan kami nag uusap. Pero hindi ako lumingon dahil baka paglilingon ako ay baka hindi na ako aalis sa tabi niya. Agad akong sumakay sa kotse ko at doon binuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Umiyak ako sa dahil sa katangahang nagawa ko. Umiyak ako dahil sinaktan ko ang lalaking minamahal ko. Biglang tumunog ang phone ko. Nang makita kong si Jacob ang tumatawag ay mas lalo akong napaiyak. He's been too good in our relationship. Kapag magkatampuhan kami he always the one who asked forgiveness, kahit pa na kasalanan ko. He is a perfect boyfriend but I choose to break his heart. "I'm sorry, Baby. But it is the best for the both of us." bulong ko sa sarili habang patuloy na tumutulo ang luha sa mga mata ko. Tumunog na naman ang phone ko but this time, it's an unknown one. Napalunok ako at sinagot ang tawag. "H-hello?" nanginginig ang kamay ko habang hawak ang phone ko. "Good job. Mabilis ka din naman palang kausap." aniya mula sa kabilang linya, I can almost see his devious smirk. "Now, I want you to come over here to see your wedding gown. I want you to choose for yourself." utos nito at binaba ang tawag. Ano ba itong pinasok kong gulo? Right at that momemt parang gusto ko nalang maglaho sa mundo. Hinilamos ko ang mukha kong punong-puno ng luha at tiningnan ang sarili ko sa rearview mirror. Kitang kita sa mga mata ng babae na nasa repleksyon ng salamin ang sakit, pagkabigo at pagsisisi. Agad kong pinaandar ang kotse ko pagkarating ko sa harap ng napakataas na hotel ng mga Mondego. Napalunok ako habang dahan dahang bumaba sa kotse ko. Sinalubong ako ng isang chauffeur para iparada ang kotse ko. Binigay ko sa kanya ang susi ko at naglakad papasok sa isang napaka engrandeng hotel ng bansa. Binati ako ng mga guard hanggang sa mga receptionist. Nang tatanungin ako kung saang floor ako pupunta at sinagot kong saan ang room ni Mr. Theon Ryder Mondego at ganun nalang ang panlalaki ng mata nito at sinipat ang itsura ko. Biglang umigwas pataas ang kilay ko nang biglang umangat ang labi nito na para bang may mali sa mukha ko. Then I realized, kagagaling ko lang pala sa pag iyak. Baka naman inisip nito na baka si Theon na yun ang may kasalanan. Actually, siya naman talaga ang may kasalanan. Pagkatapos niyang sabihin kung anong floor ay agad din akong pumihit papunta sa elevator. Pinindot ko ang last floor nito, habang nasa loob ang bumabalik pa din sa isip ko ang mukha ni Jacob. Hanggang ngayon ang sakit pa din ng puso ko. Pero hindi ko na pedeng bawiin ang lahat. Andito na ako at wala nang atrasan 'to. Nang tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang floor na kami ay bigla nalang akong dinagsa ng kaba. Magkikita na naman kami. Hindi ko alam kung paano makipag usap sa kanya. Dahil sa totoo lang ay naiinis ako sa kanya. Nagagalit ako dahil minanipula niya ang buhay ko. Nang lumabas ako sa elevator ay isang double door ang sumalubong sa akin. Sa tingin ko ay sakop ng isang kwarto lamang ang buong floor na ito. Sobrang yaman niya nga talaga. Tama siya, maling tao ang kinalaban ko. Napalunok ako habang naglalakad sa carpeted na sahig. Bago pa man ako kumatok ay bumukas na ang pintuan at sinalubong ako ng isang lalaking may malantik na daliri. "Finally, you're here." malanding bulalas nito at ginaya ako papunta sa isang mamahaling couch. Hindi ko pa nga nagawang ilibot ang mata ko sa buong paligid pero inihain na nila sa harapan ko ang ilang magazine kung saan may iba't ibang designs ng wedding gown. "You really know how to chose your bride to be, Theon." komento ng isang boses na nasa gawing kanan ko. Dumako ang mata ko papunta sa kanya. Nakaupo ito habang may hawak na kopita ng alak at nakatitig sa akin ng matalim at puno ng malisya. "Don't give her that f*****g stare, Zander." matigas na hiyaw ni Theon mula sa kung saan. Napatingin ako sa kanya. He's staring at me differently kaya nag iwas ako ng tingin. Naramdaman kong papalapit siya sa gawi ko at umupo sa tabi ko. "I want you to choose your wedding dress, personally." aniya sa akin at nagsimulang buklatin ang pahina ng magazine.Hindi niya ulit pinansin ang lalaki. Tumahimik ang dalawang baklang nasa tabi ko ganun din yung guy. "Hindi naman kailangang engrande ang susuotin ko."mahinang sabi ko sa kanya. Sa design at sequences pa lang kasi ng mga gown na nasa magazine ay masyado ng mamahalin. Sa mga beads palang nito parang naghahalaga na ng milyones. "I want to give you the best and grandest wedding." malamig na sabi nito. Kinagat ko ang labi ko at pakiramdam ko ay nanginginig ang kamay ko habang dahan-dahang binubuklat ang magazine. Napadako ang mata ko sa isang off shoulder wedding gown. "Do you like that?" tanong nito. Wala sa sarili akong tumango sa kanya. Bigla niya nalang itong kinuha sa akin at nilahad sa harapan ng dalawang bakla. "Make this within a week. You can start now." utos niya sa dalawang bakla, napanganga ako sa kagaspangan ng pinakita niya. Habang ang dalawa naman ay tumalimang kunan ako ng sukat para sa gagawing gown. "That's not a problem. Now, we'll get your size, honey." sabi ng bakla at pinatayo ako para masukatan. Para akong isang robot na sumunod sa bawat sasabihin nila. Hanggang sa matapos ang sukatan. Umalis na din agad ang dalawang designer. "Pede na ba akong umalis?" biglang tanong ko pagkatapos makaalis ang dalawang bakla. Simula ng dumating ako parang ngayon lang ata ulit bumalik ang boses ko. Bigla naman itong napatingin sa akin mula sa pakipag usap sa isang lalaking kasama namin pero hindi ko masundan kung anong pinag uusapan nila dahil naglalakbay ang utak ko sa nangyari sa amin ngayong araw ni Jacob. Hindi ko inakala na matapos ang lahat sa amin dahil sa isang walang kwentang laro. "I'll take you home." suhestyon nito. Bigla akong umiling. Lahat ang lakas na pinakita ko sa kanya noon ay biglang nawala na parang bula ngayon. I can't even find my own voice to speak. "Kaya ko na. Just tell me when the wedding day and I'll be there." malamig kong sabi. Narinig ko ang marahang pagtawa ng lalaking kasama namin. Pero nanatiling parang manhid ang katawan ko. Hindi ko siya pinansin. "Alright." tumayo ito kasabay ko. Naglakad ako without saying goodbye. I hear his footstep na nakasunod sa akin. Pagdating namin sa pintuan ay pinagbuksan niya ako. Pero bago ako tuluyang makaalis ay hinigit niya ang braso ko at hinalikan ako sa labi. "Don't make this hard for the both of us, Sweetie." bulong nito pagkatapos akong halikan. "Have a safe trip."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD