Pinikit ko ang mata ko. Pakiramdam ko ay sinaksak ako ng maliliit na karayom. Mas masakit palang malaman na kaya niya ako iniwan dahil anak ako ng babaeng naging dahilan ng pagkamatay ng kapatid niya. "But I heard you talking to someone, noong nandoon pa tayo sa isla, na may balak kang makipag annulled sa akin. Sabihin mo, bahagi pa din ba yun sa plano mo para sirain ang buhay ko?" malumanay kong tanong na halos pabulong nalang na lumalabas sa bibig ko. Gusto kong malaman ang buong katotohanan ngayon. I don't know what will happen next basta, I want everything to be done today. Bumaling siya sa akin, nakapark na ngayon sa sasakyan sa harap ng dagat. "Wala akong planong sirain ang buhay mo-" "You already did." putol ko sa sasabihin niya. Nasa unahang ang tingin ko. Hindi ko siya kayang

