Anong oras na pero hindi pa din ako makatulog dahil sa nangyari kanina sa restaurant. Naguguluhan pa din ako. Bakit parang ang dali lang sa kanya ang lahat? Noong iniwan niya ako, hindi niya ako binigyan ng sapat na rason. Ngayon naman babalik nalang siya na para bang wala lang ang lahat nang nangyayari noon. Yung tipong parang wala siyang puso na winasak. Gusto kong malaman ang lahat lahat bago ako magpasyang pababalikin ko ba siya sa buhay ko. Oo nga at mahal ko pa siya pero hindi lang naman sapat ang pagmamahal ko para maibalik ang lahat. Kailangan niya ding ibalik sa akin ang buong tiwala ko sa kanya. Mariin kong ipinikit ang mata ko. No, hindi pedeng ganito kadali ang lahat. Hindi pedeng magpapaalipin na naman ako sa puso kong minsan nang nagkamali at nasaktan. Mahal na mahal ko siy

