Habang bumabyahe kami pabalik ng Maynila ay napapansin ko ang pagiging tahimik ni Theon. Gusto ko siyang tanungin kong ano bang pinag usapan nila ng Daddy niya at bigla nalang siyang naging tahimik. Ni hindi niya na ako nilalambing. "May problema ba, Theon?" tanong ko ng tumigil ang sasakyan dahil nagsimula nang mag traffic. Mag aalas singko na din nang makaalis kami kanina sa bahay ng parents niya at malapit ng mag aalas sais at nasa daan pa kami at inabutan na kami ng trapiko dahil oras na din ng uwian. Bumaling lang siya sa akin pero walang kahit anong emosyon ang nakapaloob sa kanyang mga mata. Nawala na din ang saya dito at pagmamahal. Ano ba talagang nangyari bakit bigla nalang naging ganito? Ano ba kasing pinag usapan nila ng Daddy niya at bakit bigla bigla nalang ata siya naging

