Pagdating sa bahay nakatulog ako paggising ko nalaman kong umalis si Veronica. Hindi ko alam san nagpunta dahil hindi naman ito nagpaalam sakin. Tinanong ko si Manang ang sabi lang sakin sa Hospital na naman. Ano bang ginagawa nito don? Ilang oras na ang nakakalipas pero wala pang Veronica ang nagpapakita sakin. Sabay kaming naglunch ni Tito. Mapagbiro ito at mana sa anak nyang mapang-asar pero nakakainis talaga kasi hindi man lang tumawag sakin si Veronica. Malapit nang magdilim wala pa rin sya. Nakakatampo na sya ah. So ano ako dito sa bahay? Buti pa sa ibang tao nakapagpaalam sya pero sakin hindi. It's already 7pm pero wala pa rin sya. Kumain na rin ako at andito ako sa sala nakatambay nanonood na lang ng TV wala naman akong naiitindihan sa kakaisip sa kanya. Maya-maya nakarinig na a

