Monday na ngayon at hindi na ako pumasok dahil ngayon daw ididiscuss ang plano para sa kasal namin ni Veronica.
Dalawang araw ako hindi pinansin ni Veronica. Siguro nga nagalit sya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit nalulungkot ako na hindi nya ako pinapansin at andito sya sa harap ko nakikipaglandian sa event planner namin. Nakikipagtawanan lang naman sya. May pahampas hampas pa yong babae. Sarap sabunutan. Ano ba tong nangyayari sakin dapat nga wala akong pakealam sa kanya. Eh nakakaasar kasi alam mo yon? Yong kanina ka pa nakaupo dito hindi man lang nya ako pinansin alam nya namang wala akong kakilala dito. Kausapin ko na lang kaya tong mga upuan.
"Ms. Ymor?" napaakyat ako nang tingin at nakita ko ang Event planner namin habang nakahawak sa braso kay Veronica. Sila na lang kaya ang ikasal
"Are you fine? Kanina ka pa nya tinatawag." Veronica said.
"Yes Uuwi na ako. Makipaglandian ka na lang dito."
Tumayo na ako at naglakad papalabas mg hotel. Sinundan nya naman ako.
"Zyhra!" tawag n'ya ngunit hindi ko to pinansin at nagmamadaling makaalis sa lugar na ito. Hindi ko alam na athletic din pala tong babaeng ito. Napakabilis nyang abutan ako at hawakan ang braso ko.
"Are you jealous?" she immediately asked.
"Ako? Nagseselos??? Why would I?"
"You sounded jealous."
"Hindi ah! I just gave you the time to flirt with her maybe in that way you wont force me to marry you." napakunot ako ng noo dahil tumawa lang ito.
"Do you think I forced you to marry me? You have the freedom to choose. You can leave by the way pero dalawang araw na ang lumipas pwede ka namang umalis."
She have the point. Pwede naman akong umalis sa kanya. Lalo na no'ng araw na hindi nya ako pinapansin. Hindi ko rin maitindihan sarili ko. Nalulungkot ako kapag iniisip kong maiiwan sya don sa malaki nyang penthouse mag-isa. Pero gusto ko rin namang umalis.
"Okay fine. Edi ihatid mo ako sa bahay."
"Deal." walang pag-alinlangan nyang sabi.
We're on our way to the village. Ihahatid nya nga kasi ako. Masaya ako dahil feeling ko di na matutuloy ang kasal pero nalulungkot din ako sa hindi malamang dahilan.
Nasa labas na kami ng bahay. Tanaw ko mula sa loob ng sasakyan ang kwarto ko. Wahhhh I miss my baby room.
"We're here" she mouthed. I can sense the sadness of her voice but she managed to smile.
"Yeah Thank you." I said whole heartedly but I just feel the sadness and I don't know the reason.
"I just wanted to ask you a favor." she said shyly.
"Yeah Go on. what is it?"
"Can I have a kiss now?" she mouthed. I looked her confused and wanted to disagree but my heart says that I also wanted to kiss her. Feel her lips on mine. I don't know what to do. "nevermind. Sige na pumasok ka na sa loob."
Hindi ko alam pano nangyari ang lahat basta what I know inside her car. Her lips was against mine. Honestly it's the best feeling. The softness of her lips. She moved her lips on mine trying to open my mouth and I was like on a spell I can't even protest because my body had it's own control.
I was gasping for an air. I can feel her hands touching and searching for something. I can see the lust on her eyes but blended with sadness. The softness of her lips with different variety of taste— a strawberry and a menthol.
I just don't want this to end but she already stopped kissing me and smiled. "Thank you Zyhra until next time? See you around."
"Yeah." I can't find any words. Lumabas ako sa kotse nya nang lutang. Hindi ko man lang namalayang nakaalis na pala sya.
Ang halik nya.
Yong tamis ng labi nya na may halong menthol. Pumasok ako ng bahay na wala sa sarili. Tinanong nila ako Manang kung anong ginagawa dito sabi ko na lang I'll explain tomorrow. Si dad naman tinignan lang ako siguro kinausap na sya ni Veronica.
Hays Veronica Yuw. What did you do?
All went well. Kinabukasan pumasok na agad ako sa school and guess what kalat na ang chismis na ikakasal ako sa sobrang yamang babae sa Pilipinas. Nakakarindi rin dahil paulit-ulit na lang ang naririnig ko at paulit-ulit ang kanilang mga tanong sa akin.
Kamusta na kaya yon? Siguro may kahalikan na syang iba. Nainis ako sa naiisip ko. So matitikman din nila yong strawberry na may pagkamethol nyang labi????
"Hoy! Ang lalim ata nang iniisip mo?" nagising ang diwa ko sa lalaking nagsasalita sa gilid ko. Andito ako sa soccer field. Alas kwatro na nang hapon kaya hindi na ganon kainit.
"Wala. Nga pala beks wag mo na ituloy yong plano mo sa Sat ah. Hindi naman na matutuloy yong kasal namin." matamlay kong sabi.
"Talaga? Pano nangyari yon?"
"Bakla ka talaga ang chismoso mo."
"Hindi nga ako bakla. Ganyan kayong mga babae kapag gusto nyong halikan kayo ng mga lalaki sinasabihan nyo ng bakla. Hays Zyhra ang pogi ko no? Yang galawan mo ang gasgas na." pagmamayabang nya
"Hoy bakla! I-k0iss mo pwet mo. Kadiri ka. Bakit lasang strawberry at menthol ba yang labi mo para halikan ko?"
"Anong strawberry? Hindi nga kasi ako bakla sabi, isa pa pangit hahalikan na kita."
"May gusto ka sakin no???" pang-aasar ko.
"Ah eh—ano sayo? Ako may gusto?" turo nya sa sarili nya. "No way"
"Bakla mo talaga."
"Ehem." napatingin kami sa pagmamay-ari ng boses at walang iba kundi si Veronica.
Kanina pa ba sya rito? Narinig nya ba?
"Veronica." tawag ko sa kanya. "kanina ka pa ba dyan?"
"Nah, kakarating ko lang." pero nakaramdaman ako ng mapang-asar mula sa kanyang ngiti. Halikan ko sya dyan eh. Ano ba tong sinasabi ko? Mygad naaadik na ba ako? Hell no. Bakit sa labi nya pa?
Nakatingin lang silang dalawa sakin. Akala siguro nila baliw na ako.
Hindi nakagalaw si Abcde nang bigla ko itong hinalikan sa labi. Gusto kong malaman na hindi ako adik sa halik ng babaeng ito.
"Gaspang ng labi mo beks." tangi kong sabi at tumayo na. Hinila ko si Veronica papalayo at iniwan si Abcde na tulala.
Wala akong maramdamang kakaiba sa halik ni Abcde. Oo ang swabe ng labi nito at malambot pero iba pa rin talaga sa babaeng 'to. I mean iba pa rin pakiramdam ko no'ng nagkahalikan kami ni Veronica
"Ano pala ginagawa mo rito?" tanong ko habang naglalakad kami palabas ng campus.
"May sasabihin lang sana ako pero nakalimutan ko kung ano 'yon. Sige uwi na ako."
"Talaga?" tumango lang bilang sagot. "hindi ako naniniwala. Ano ba yong sasabihin mo?"
"Wala nga."
"Sabihin mo na."
"Yon yong kasal hindi na matutuloy." sabi nito na nakayuko.
"So pumunta ka lang dito para sabihin yan?" napalakas boses ko sa pagsalita.
"Wag ka naman magalit."
"Akala ko kasi may iba pa." bulong ko.
"Lakas nang bulong mo." natatawa nyang sabi. "sige na balikan mo na si Abcde. You can kiss him whenever you want." is she jealous?
"Ayaw ko. Uwi na lang ako."
"Bakit naman? Kasi hindi strawberry at menthol lasa ng halik nya?" pang-aasar nito. Wahhhh narinig nyaaaaaaa. Nakakahiya!!!!!! Nakakahiya ka Zyhra itatakwil na kita. Natawa sya naging reaksyon ko kaya iniwan ko sya don. Sinundan nya naman ako.
"Angel." tawag nya sakin.
"Stop following me." sigaw ko.
"Hahaha okay. I'll just have something to tell you." natatawa nya pa ring sabi.
"Stop laughing nothing is funny." pagtataray ko.
"Yeah, I just want you to know that anytime just call me if ever you changed your mind and want to marry me." she said and walked away.
Naiwan akong tulala. She asked me to marry her and a way that she didn't forced me. Ang galing naman pala ng babaeng to. Hayop sa talino.
Ano ako baliw magpapakasal sa kanya?
Eh pano yong halik nya?
Binatukan ko ang sarili ko dahil sa mga naiisip ko. Halik pa talaga habol mo Zyhra.