"Sa bawat sulok ng lugar na 'to may nakamasid sa 'yo. At lalong titingnan nila kung karapat-dapat ka." Sabi ni Sonia habang umiinom ako ng kape at kumakain ng biscuit na dala niya para sa ‘kin. Hindi kasi ako makatulog. "Kung sa eskuwelahan nasanay ka na sa bibig ng ibang mga malditang prinsesa mas maraming bibig at tingin ang huhusga sa 'yo rito. Sasabihin ko rin sa ‘yo na ang mga naninilbihan sa kastilyo ay mula sa noble family. Ibig sabihin, mayroon na ilan sa mga ‘yan na halos ka estado ng kaharian natin ang ari-arian.” “Sonia, ang noble family ay siya ring puwedeng asawahin ng emperador ‘di ba?” tanong ko. “Oo,” sagot niya kaagad, “Pero sila ay papasok lang bilang concubine ng emperador. Sa ‘ting kaharian, lahat ng may estadong Royal ay papasok bilang asawa ng hari ayon sa bilang

