PAGKARATING nila sa isang isla ay mabilis silang sinalubong ng tatlong lalaki. Isang malaking resthouse na nasa gilid ng dalampasigan ang kanilang tuluyan na pag-aari ni Don Hugo. "Shariena, okay ka lang ba?" tanong ni Vincent sa dalaga ng makarating na sila sa kanilang kwarto. "Natatakot ako para sa anak natin Vincent," saad nito. "Nandito ako Shariena ipagtatanggol kita," aniya at niyakap ang dalaga. "Paano kung isang araw ay ipatawag ka ni Mr. Brandon Hugo, maiiwan mo ako dito mag isa!" sambit nito at tuluyan ng tumulo ang luha na kanina pa pinipigilan. "Ligtas kayo dito ni baby, walang sino man ang nakakapasok dito maliban lang kung pinahintulutan ng Boss na makapasok!" sambit ko habang nakatitig sa kanya. Ramdam ni Vincent ang takot ni Shariena para sa anak, siya man ay nag-

