VINCENT Nang matapos ako kumain ay niligpit na nila ang aking pinagkainan, kasalukuyan pa rin kami nandito ni Shariena sa loob ng kwarto at itinuloy niya ang pagpupunas sa aking mga galos sa katawan, gamit ang bembo na binasa sa maligamgam na tubig. Kasalukuyan namang mahimbing na natutulog ang aming anak. Hinawakan ko ang kamay ni Shariena. “Maraming salamat Shariena; nagpapasalamat ako na nandyan kayo sa tabi ko, kayong dalawa ng anak natin. Kayo lang ang nasa isip ko habang nakikipaglaban ako sa mga kaaway, pinilit kong makaligtas para sa inyo,” pukaw ko sa katahimikan habang habang dinadampian ko ng panaka-nakang halik ang kanyang kamay. “Mahal na mahal ko kayo ng anak natin,” patuloy ko. Maya-maya ay hinawakan ko naman ang kanyang pisngi at tinitigan ko muna ang kanyang namumula

