Kasalukuyang nag hahanda si Vincent ng baril at kung ano-ano pang armas na magagamit niya sa pagliligtas kay Shariena. Nakatanggap na kasi siya ng balita kung saang lugar dinala ang dalaga. Bitbit ang itim na bag na lumabas si Vincent sa kanyang bahay. Buo ang loob na sasabak sa panibagong pagsubok sa kanyang buhay ang iligtas ang babaeng lihim na niyang minamahal. Kung noon ay pumapatay siya para mabuwal ang mga simdikato, ngayon ay isusugal niya ang kanyang buhay sa babae. Ang babaeng natutunan na niyang mahalin sa ilang mga araw na kasama niya ito. Determinado siyang iligtas ang babae sa kamay ng mga kalaban, kaya niyang makipag p*****n para kay Shariena. "I will fight for you to death Shariena!" lakas ng loob at pagmamahal sa babae ang kanyang baon. Nagtungo siya sa lugar kung s

