Tatlong araw matapos manganak si Shariena, medyo may lakas na siya dahil nakapag lakad-lakad na siya. Matamis ang ngiti na nakatitig lang siya sa anak niya habang pinapadede niya, parang nabigyan siya ng panibagong buhay mula ng masilayan niya ang munting anghel na napaka ganda. May pumatak na luha sa kanyang pisngi dahil naghahalo ang kanyang nararamdaman para sa anak na babae na pinangalanan niyang Viana Quinn Hawley. Nangarap siya ng magagandang bagay para sa anak. "Shariena," tawag sa kanya ni Vincent. "Halika, nakangiti siya tingnan mo. Ang ganda ng anak natin," aniya at napangiti naman si Vincent ng lumapit siya kay Shariena at masilayan nito ang ngiti ng kanyang anak. "Sana magawa natin na mapalaki siya ng maayos at ligtas," saad ni Shariena. Walang mailabas na salita si Vin

