"Palagi kang mag-ingat mahal ko, kahit na… nasa tago ka ng lugar ay palagi mong tatandaan na hanggat nabubuhay pa si Francis ay hindi pa rin tayo ligtas," paalala ni Vincent ng humarap siya sa katipan at niyakap ito ng mahigpit. "Maraming salamat sa lahat, Vincent mahal ko. Lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita kayo ng anak ko. Ikaw ang mag ingat sa iyong pupuntahan at delikado ang misyon mo, ipagdarasal kita na sana maging ligtas ka at magawa mo ang iyong misyon." Saad ni Shariena. Masama man ang loob ni Shariena na gagawin pa rin ni Vincent ang kanyang misyon ay kailangan niyang tiisin dahil hindi sila mamuhay ng payapa kung malaya parin si Francis. Matapos makapag paalam sa isa't-isa ay umalis na si Vincent. Maingat siyang nagmanman muna para maka siguro na walang naka sunod sa k

