Chapter 39: But at the end of the road, there's you.... December 31, 2018 11:30 PM "I'm home!" Dumungaw ako mula sa kusina at nakita si Dad na naghuhubad na ng kaniyang sapatos sa may bungad ng pintuan ng bahay namin. Pinunasan ko ang aking kamay at pinatay ang apoy mula sa niluluto ko para sa Media Noche namin mamaya at nilapitan siya. "Welcome back, Dad." magiliw kong ani. Pagkatapos ngang pirmanente ng manirahan ni Dad dito sa Japan ay umalis na ako sa dorm ko at bumalik na sa sariling bahay namin. Sumasakay na ako sa tren tuwing umaga papunta sa paaralan pero, ayos lang, hindi naman masyadong hassle. "Ah siya nga pala anak, dadalaw tayo mamaya sa Mommy mo pagkatapos nating dumaan sa shrine para magbigay ng dasal natin." ani ni Dad, tinanggal na ang suot na coat at niluwagan ang n

