Chapter 30: Blood Totoo nga ang sabi nila. In every beautiful roses, there are deadly thorns. Gaano man ito kaganda sa ating paningin, kaya ka nitong saktan o mas masaklap ay patayin. Pagkatapos ngang sabihin ni Marie na ipapapakita niya sa akin ang rason kung bakit sila nagkaroon ng pekeng relasyon ni Akio, dinala niya ako sa labas, sa madilim na parte ng café na walang halos dumadaan at tinutukan ng patalim. The beautiful Marie is gone at tila isa na siyang taong takas sa mental dahil sa nakakaloko niyang ngiti sa akin. "W-what are you doing? W-what —" words can't seem to form in my mouth dahil sa kakaibang takot na nadarama ko ngayon. Bumuga siya ng hangin bago tumawa. Oh my god. She's insane! She definitely is! Don't tell me she also threat Akio? Iyon ba ang gusto niyang malaman

