Chapter 25: Let's Break Up "Ngh." napahawak ako sa aking ulo ng maramdaman ko ang bigat doon. Tila ba napakabigat noon at sobrang sakit. Nang may makapa akong tila isang basang bagay sa aking noo ay agaran akong napamulat ng aking mga mata. Unang tumama ang aking paningin sa isang wall clock sa taas ng pader sa harapan ko, alas singko na ng madaling araw. Nang makuha ko ang basang bagay sa aking noo ay nakita kong isang bimpo iyon. Doon ko lang napagtanto ang kakaibang init na bumabalot sa aking katawan. "Awake now? " ani ng isang napakapamilyar na boses! Napa-upo ako at nakita siya sa harapan ko. Prenteng naka-upo sa isang maliit na sofa at may hawak na newspaper. Sa tabi niya ay may tasa na sa tingin ko ay isang mainit na kape ang laman. Teka. Bakit ako naandito? Ang pagkaka-alala k

