Chapter 20: Akio's Past Are we going to drift apart? Buong araw ‘yan lang ang naiisip ko. Hindi na yata nawaglit ang tanong na ‘yan sa utak ko at nagbibigay iyon nang kakaibang sakit sa aking puso. Tumama ang sinag nang araw sa aking mukha kung kaya't bahagya kong tinakpan ang aking mga mata nang aking braso. Naandito ako sa likurang bahagi nang dorm at pinapatuyo ang mga nalabhan ko ng damit. Si Akio naman ay nasa kwarto lang namin at may tinatype na project daw nila. Hindi ko alam pero, parang sinabi niya lang iyon para maiwasan ulit ako. Lately, ganiyan na siya. Tsk. I am overthinking. I sigh. Napatigil ako sa pagpasok sa loob nang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Ringtone iyon na may tumatawag sa Skype ko. It must be Leila or Dad. Hindi nga ako nagkamali dahil nang sagutin k

