Chapter 16: Love You For Life Date. I never thought na darating ang araw na mae-experience ko na nga ang salitang iyon ngayon at kay Akio pa ang una kong experience. Today is a clear and bright Sunday. Akala ko ay magiging madali lang ang date na ito pero, mali. My excitement dropped dahil malabo nga palang magagawa namin ang mga ginagawa ng normal couples. You know, those things they call HHWW or PDA. At isa pa, kung may makakita sa amin na kakilala namin ay malamang mandidiri, magugulat or maweiweirduhan ang mga ito. Bukod sa pareho kaming lalaki ay kinakapatid ko pa siya. Paano na lang kung makarating kela Leila at Dad? Mabilis kong iniling ang aking ulo sa naisip. Natatakot ako. Ayaw kong masaktan sila pero kapag si Akio ang nawala sa akin ay mas masakit. Lalo na't walang sikreto an

