Chapter 18: Cheat? Kahit labag sa kalooban ko ay wala akong magagawa. Ngayon lang ulit namin nakita si Kintaro at isa pa, kaibigan din namin siya ni Jun. Wala naman sigurong masama kung lumabas ako ngayong gabi, diba? I mean, ngayon lang naman. Maguguilty din ako panigurado kapag ni reject ko ang anyaya ni Kin and knowing him, talagang magtatampo iyon. I'm sorry Akio. Tinignan ko muna ulit ang payapa niyang mukha na natutulog bago dahan dahang lumabas ng kwarto namin. Late na late na ako dahil inantay ko pang matulog si Akio bago nakalabas. Alas nuebe na. Tinext ko na rin naman si Jun at sabi niya ay baka malasing na daw agad si Kintaro bago ako makarating sa pagkikitaan namin. Well, medyo pagod pa ako ngayon paano kasi naparusahan talaga ako kanina pagkahiga na pagkahiga namin sa kama

