Kabanata 9

1315 Words
Keios "Keios!" tawag ni kuya Kanor nang makita akong lumabas ng classroom. I walked towards him and gave him a high five. "What's up?" Nakangiti niyang hinawakan ang mop. "Malapit na laro ninyo, ah? Balita ko ang tataas ng grades mo kaya wala ka nang problema sa kundisyon ng coach ninyo." I nodded. "Yeah." "Inspired yata, eh. Sigurado proud si Dad—I mean, ang Daddy mo sayo." I felt a sting in my chest. Umiwas ako ng tingin at humugot ng hininga. "Hindi rin." I saw how kuya Kanor's smile faded as his forehead creased. "Bakit naman? Hindi ba siya manonood ng laro mo?" Umiling ako. "Busy. Alam mo na, maraming hawak na negosyo," sagot ko kahit alam ko namang may ibang dahilan kung bakit hindi nanonood si Daddy ng laro ko. He doesn't love us as much as he loves kuya Konnar and Mama Khallisa. I love them, too but sometimes, it hurts to know we're only second place in Daddy's heart. Lumamlam ang mga mata ni kuya Kanor. Mayamaya ay inakbayan ako at piniga ang aking braso. "Hayaan mo na. Sigurado naman proud pa rin 'yon sayo. Hindi bale, manonood kami. Nakaipon na ako ng pambili ng tickets para sa laro." Nakunsensya ako bigla dahil pakiramdam ko, gagastos siya ng para sa ticket dahil naaawa siya sa akin. "Ilan ba kayong manonood?" Kuya Kanor smiled. "Tatlo. Ako, si Mama, tapos si bunso. Supporter mo ang dalawang 'yon magmula high school football games mo." That feels weird but isn't new to me anymore. Maraming babaeng nagkagusto sa akin magmula noong nakilala ako sa high school football. Universities, even the ones abroad, offered me a sure slot just so I'd play for their team. Tinanggihan ko lamang at gusto kong kasama ang mga kapatid ko sa iisang uni. Kung nasaan si kuya Keeno, roon kaming lahat na magkakapatid. After all, all we have is each other. Kahit naman nag-move out ako, kasama ko pa rin sila palaging mag-lunch para hindi magtampo. "Huwag ka nang bumili. Meet me on Friday. I'll give you tickets. May libre naman kaming mga players." He smiled in a genuine and brotherly way. "Salamat." "Baltazar, kailangan daw ni Dean Avanzado ng maglilinis sa opisina niya. Ikaw na lang nga!" dinig naming sabi ng isang kasamahan ni kuya Kanor na janitor. Kuya Kanor nodded before he said goodbye. Napasunod naman ako ng tingin habang nakakunot ang noo. Baltazar. Saan ko nga ulit narinig ang apelyidong 'yon? "Keios!" tawag ni Azul. Bumaling ako sa kanya. "Bakit?" "May problema yata si Denyse. Nag-chat si Zaskia." Kumunot ang noo ko. "Magka-chat kayo ni Zaskia?" Azul smirked. "Tagal na." "Gago, tapos hindi mo man lang ako nilalakad kay Denyse?" "Ako nga hirap manligaw?" He ran his fingers onto his mid-length hair. "Uunahin pa ba natin 'to?" I sighed. "Anong problema ni Denyse?" Nagkibit-balikat siya. "Ewan. Puntahan mo na lang. May klase pa ko." I jerked my head then headed to the nursing building. Nang makita ko si Denyse sa classroom nila na tila problemado ay pumasok ako habang wala pa silang prof. "Anong problema?" deretsahan kong tanong. Denyse looked away. "Wala." I sighed before I looked at Shaina and Zaskia. "Anong problema?" Nagtinginan ang dalawa bago sumagot si Zaskia. "Hindi binigay—" "Za!" suway ni Denyse. I sighed. "Tell me, Zaskia." Zaskia hesitated at first but she ended up telling me anyway. "Hindi kasi binigay ng ate Danny niya 'yong pambayad niya ng tuition kaya hindi siya makakapag-take ng midterms exam." My forehead wrinkled. "Bakit nasa ate niya?" "Si ate Danny tumatanggap ng remittance para sa allowance at tuition nila," sagot ni Shaina. I sighed. Naupo ako sa armrest ng upuan ni Denyse saka ko hinagod ang likod niya. As if my touch pressed her pain button, her eyes swelled with tears while she purse her lips. Sa awa ko ay kinabig ko na. Denyse cried on my chest as if she's so angry and frustrated that all she wanted to do was cry it all out. "Don't worry about it." I rubbed her back and kissed her on top of her head. "Makakapag-exam ka. I'll make sure of that." Suminghot siya at umiling. "Hahanapin ko si ate at kukunin ang pambayad ko." "I'll pay for it." Umiling-iling siya. "Ayoko. Nakikitira na nga ako sayo tapos magkakautang pa ko." "Just pay me once you already have the means." I cupped her face and wiped her tears. "Tahan na." I could feel how much she wants to turn down my offer but the examination is just right in the corner, and if she'll miss it, she's going to fail her semester. I can't let her efforts go to waste. Kinuha ko ang kamay niya at marahan siyang hinatak palabas ng classroom nila. Gusto niyang tumanggi nang tamaan na nang husto ng hiya pero hindi ko na pinayagan pa. "What's your student number?" I asked. She sniffed and shook her head. "Huwag na, Keios. May hanggang bukas pa naman ako—" I held her ID and read her student number to the cashier. Wala na siyang nagawa nang ibigay ko sa cashier ang card ko saka ako seryosong nagsalita. "I'll pay for all her balances for this semester—" "Keios!" Hinawakan niya ako sa braso saka siya bumaling sa cashier. "Miss, huwag po ninyo—" I covered her lips with my hand before I faked a smile to the cashier. "My baby doesn't like asking help but if she'll fail this semester, I have to fail, too so I can graduate at the same time with her so please just pay-off her balances using my card and let's get this over with." Napangiti ang cashier saka umiiling na prinoseso ang payment. Wala namang nagawa si Denyse, kaya nang makapagbayad kami ay halos hindi niya ako magawang tingnan sa mga mata. We sat on a bench with her head low. Nang hindi ako nakatiis ay hinawakan ko na sa baba para pabalingin sa akin. "It's alright. That's my own money," I said. Suminghot siya. "Ang laki no'ng binayaran mo. Matagal pa bago kita mababayaran. Baka nga hindi na tayo nagkikita bago pa ako makaipon ng ibabayad ko." I smirked. "Then stick with me forever para hindi ka mahirapang hanapin ako kapag may pambayad ka na." Umirap siya. "Babanat ka na naman, eh." I pinched her cheek while grinning. "I'm only giving you the best option to prevent a problem, baby. Say yes to me, let's get married someday if things will work out fine between us, let's pursue our careers together, and then pay me back someday." She sighed. "You're gonna be a football star. Siguradong makakarating ka sa iba't ibang bansa. On the other hand, I'm gonna be stuck in a hospital to save lives. Baka nga roon na ako tumira para lang malaki ang kitain ko. Kung magiging tayo, baka magkasawaan lang din dahil sa magiging mga career natin, Keios. Don't you think it'll be better for you to just pursue someone who can support you all the time? Iyong hindi magpapaka-zombie sa ospital?" My brow shot up. "Why? Mahal lang ba dapat kapag palaging nakikita? Ig that's how things will work, then I'd f*****g break my own ankle just to see you often." "Siraulo." I scoffed. "But on a more serious note, I don't think we need to see each other a lot just so we can keep what we have, you know, in case you'll say yes to me. For seventeen years na hindi nakikita ng Daddy ko ang mama ng kuya ko, pero hanggang ngayon loyal pa rin siya kay Mama Khallisa. I think I can be that faithful, too, if only you will give me a chance." Tumitig siya sa akin na tila nag-iisip. Mayamaya ay bumuntonghininga siya. "Seryoso ka na talaga sa akin, Keios?" I smirked. "Mas siniseryoso pa kita kaysa sa pangarap ko. . . "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD