Hindi maitago-tago ni Arthur ang ngiti sa mga labi niya habang magkaagapay sila ng dalaga sa loob ng isang Groceries Store. Tulak-tulak niya ang cart habang nakahalukipkip sa tabi niya ang amo na patingin-tingin sa nadadaanan nilang shelves na puno ng mga iba't-ibang produkto. Natutuwa siya dahil sumama ito sa kanya kahit di siya sigurado na sasama ito sa kanya pero giniit niya sa dalaga baka mainip ito sa loob ng kotse sa kahihintay sa kanya lalo pa at may karamihan ang namimili ng mga oras na ito. May ilang kabataan na babae ang napapatingin sa kanila mga nakauniporme pa nga ang iba. Tila ba kinikilig ang mga ito sa kanila. Napangisi na siya. Sino ba naman hindi kikiligin sa kanila eh magkasama ba naman sila ng maganda niyang amo na namimili. Ang sweet nga naman di ba? "May titingnan

