Ikalawang gabi na ng burol nila Travis. Dalawang araw na rin akong walang pahinga. Ayaw ko matulog na gusto ko. "Dalawin niyo ako sa panaginip. O kung nandito man spirits niyo, yakapin niyo ako. Bibigyan natin hustisya pagkamatay niyo." Nasa gitna ako, ako na lang ang kulang. Kumpleto na kaming nakahiga. Hindi ko pa rin matanggap na wala na sila. Hindi nauubos ang luha ko. Iyak pa rin ako ng iyak. "Sofie, condolences. Sorry ngayon lang kami nakapunta. Nasa biyahe kami noong nabalitaan namin." Tinignan ko kung sino, ang girlfriend ni Travis. Si Siena at ang iba ko pang kaibigan. Tumango lang ako. Anong klaseng girlfriend ka? Hindi ka man lang umiiyak? Anong klaseng kaibigan ka? Tanong ko sa isip ko. Simula noong dumating ako dito ay wala akong kinausap na mga nakikiramay. Sila mommy ang

