Valderama's POV
"Kung may nakapasok man? Paano? Bakit?" pagtatanong ko kay Fenelope.
Hindi pa ba sapat sa kanila na mahihina na kami at nananahimik?
"Baka nag-uumpisa na mangyari ang pangitain sa oracle noon?" suggestion ni Fenelope.
"Ibig sabihin ba nito ay buhay ang living soul crown?"
"Siguro, dapat na talaga nating mahanap ang mga soul crown at ang nag-iisang living soul crown," sabi ni Fenelope.
"Pero may suspetcha na ako kung sino, hindi ko pa matukoy pero malakas ang loob ko na siya ang living soul crown,"
Maaring si Elianna ito dahil sa mga pinakita niyang kagilas-gilas na kagaya no'ng tinutukoy na living soul crown pero imposible dahil hindi naman mataas ang ranggo o lebel ng pamilya kabilang si Elianna.
"Kung sino man po ang nasa isip niyo, gawan na po natin ng paraan upang makompirma kung siya nga ang living soul crown," dagdag ni Fenelope.
"Ang tatoo, at kapag siyang maglalabas ng red and gold eye kapag nagagalit," nabanggit ko dahil naalala ko ang mga nabasa ko noon sa unang aklat na pinagkaloob sa akin ng unang minister ng paaralang Aether.
"Sige, hahanapin ko iyan at kakausapin ko kaagad si Elianna mamaya," sabi ni Fenelope at aalis na sana upang hanapin si Elianna.
"Sandali,"
"Po,"
"Tayo lang dapat ang makakaalam na may haka-haka na tayo na si Elianna iyon o ang living soul crown ay buhay dahil hindi tayo sigurado sa mga nakakasama natin at baka tayo'y mapagtaksilan, nauunawaan mo ba Fenelope?"
"Nauunawaan ko at ayoko na rin maulit ang taksilan at p*****n na walang laban sa loob at labas ng Aether Valderama," sabi nito.
"Sige na,, balitaan mo ako," sabi ko.
Tumango na lang siya at tuluyan na lumabas.
Kailangan kong matuklasan ang mga ibang soul crown at maamoy ang mga nagpapanggap at nagmamasid sa loob ng Aether.
Pangako, bilang head minister, hindi ko bibiguin lahat ng nagsakripisyo para sa kaligtasan ng kinabukasan. Lahat gagawin ko para makabawi at mapigilan ang sumpa.
Eli's POV
Wala pa ring malay si Gwen. Namumutla pa rin siya. Medyo gumaling na ang mga sugat niya sa ulo siguro dahil sa spells na ginamit nila.
"Reign, tingin mo ba kagagawan talaga ito nila Xander?" pagtatanong ko.
"Hindi ko alam, kailangan makahanap tayo na'ng impormasyon tungkol sa mga nangyari kay Gwen." sabi ni Reign.
"Ang dami namang nangyayari, gusto ko lang naman mamuhay ng matino at payapa, bakit naman ganito!" pagrereklamo ko.
"Elianna, pwede ba kita makausap?" napalingon ako sa likod ko upang makita kung kaninong boses nanggagaling iyon.
"Mrs. Fenelope, magandang araw po," bati ni Reign.
Ahh, Ma'am Fenelope.
"Ahh, opo sige po. Tungkol saan po ba?" pagtatanong ko.
"Magkita tayo sa Bellarix Hall, gusto kita makausap ng masinsinan," sabi nito sabay umalis na.
"Gagi, bakit kaya? Pinagbibintangan kaya nila ako na ako ang gumawa kay Gwen niyan? Reign? Wala naman akong ginagawa ah," sabi ko.
"Wala nga, baka may ilang itatanong lang sa iyo at alam naman ng ilang heads na kagagaling mo lang sa clinic at nasa dorm ka the minute na may nangyari kay Gwen. Plus, you're friend of Gwen," sabi ni Reign.
"I know, gagi sige na mauna na ako at kakausapin pa ako. By the way saan banda ang Bellatix Hall?" pagtatanong ko.
"Punta kang Hadezar Building, from the left may makikita kang makipot at mahabang daan, lakarin mo, sa dulo may pinto doon, pumasok ka," sabi nito.
"Salamat and wish me luck," sabi ko.
Lumabas na ako na'ng clinic at nanlaki ang mata ko dahil makaksalubong ko si Prof. Agustin. Gusto kong umatras pero nakatingin siya sa akin at mukha papunta sa gawi ko.
Kalma...
"Alam mo, simula noong dumating ka sa mundong ito, puro kalokohan na ang impluwensya mo at tignan mo pati mga kaibigan ko naaapektuhan na at napapahamak, si Reign nabalitaan ng head na nagsummoned ng water sa loob ng Hadezar Building, mukhang nababaliw na siya. Si Gwen hinampas ang ulo sa puno. Anong kulto o mga kabaliwan ba ang inimpluwensya mo sa mga tao dito?" matalas na tingin sa akin ni Prof. Agustin habang nakahawak sa likod ng roba at uniform ko.
Nanginginig ako sa takot at pressure dahil ramdam ko na humihigpit ang roba at uniform ko dahil sa tindi ng pagkakahawak at hila ni Prof Agustin nito pataas.
"Wa-waala po ak-ong ka-sala-nan," naiiyak na sabi ko.
"Talagang mahina ka at walang silbi, bakit ikaw pa sa dami na'ng naglingkod sa lahing Aether. Ikaw ang sumpa sa buhay ng Aether!" sigaw nito sa akin sabay bitaw sa akin kaya't natumba ako sa sahig.
"Hindi ka bagay sa mundong ito Monteverde," dagdag nito sabay umalis na sa harapan ko.
Umiiyak lang ako, hindi sa takot kung hindi sa galit. Wala akong kasalanan. Tiyak may mga rason bakit nangyari sa kanila iyon. Bakit ako ang sinisisi nila? Si Xander ang bully sa paaralang ito, nagdulot ng masasamang karanasan sa mga estudyante dito bago pa man ako makarating sa mundo ito, bakit hindi siya ang sisihin? Pumunta ako dito upang matuklasan ang aking sarili at ang mundong nararapat ako at itinakda sa akin kahit na ganito lang ako.
Sana hindi na lang ako pinabayaan ng magulang ko.
Tumayo ako at huminga ng malalim saka nagpatuloy sa paglalakad patungong Bellatix Hall.
Nasa Hadezar Building ako, malapit daw dito ang makipot at mahabang daan.
Ay gagi, ang creepy ng daan na ito.
Puro pader, sobrang kitid ng daan at mahaba. Hindi ko alam kung nakikita pa ang dulo.
Kaya mo iyan Eli.
Nagsimula na akong maglakad.
Mag-iisip na lang ako na'ng ibang thoughts para hindi ako matakot.
Hmm..
Nanay, tatay, gusto ko tinapay.
Ate, kuya, gusto ko kape.
Lahat ng gusto ko ay susundin niyo.
Ang magkamali ay pipingutin ko.
1
1, 2
1, 2, 3
1, 2, 3, 4
1, 2, 3, 4, 5
'Yang kantang iyan ay natutuhan ko sa kalye kapag nakikipaglaro sa mga bata doon noong bata pa ako.
Magbibilang na lang ako.
Kaya mo yan.
Ang haba naman ng daan na ito!
78
79
80
Potek, napapagod na ako. Pawis na ako.
Waaaaaaah, pinagloloko ata ako no'ng Fenelope na iyon.
Nahuhulas make-up ko. Wala pa namang make-up sa mundong ito kaya nga tinitipid ko tapos pagpapawisin ako na'ng ganito.
Grrrrrrrrrrrr.
112
113
Hay sa wakas. Nakarating din.
"Tila napakaingay mong pumarito dito Eli?" pagtatanong ni Prof. Fenelope.
"Maingay po? Hindi po ako nagsasalita habang patungo ako rito," sagot ko.
"Ang isipan mo ang maingay at nagrereklamo," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Prof. Fenelope at tinignan ko ang likod ko para makita kung may mga kung ano-ano silang kinabit para marinig ako.
"Sorry po," iyon na lang ang nasabi ko.
"Ang daang iyan ay tinatawag na Wall of thoughts. Hindi nito maififilter lahat ng sasabihin o nasa isip ng taong dumadaan diyan at ito'y maririnig agad dito sa loob ng silid na ito," sabi ni Prof. Fenelope.
"Ha?" parang nabobo ako at hindi ko naunawaan ang sinasabi niya.
"Sa madaling salita, lahat ng nasa isip ng taong dadaan diyan ay maririnig dito sa loob ng silid na ito," sabi ni Prof. Fenelope.
Nakapagmura ba ako habang naglalakad o nakapagsalita na'ng masama?
Nanlaki ang mga mata ko dahil narinig ko ang boses ko sa loob ng silid na ito. Parang nakaspeaker ang utak ko.
"See, but don't worry, hindi ka nakapagmura kanina," sabi ni Prof Fenelope at tinuro ang upuan sa akin.
Tinignan ko siya na parang nagtatanong ako kung uupo ba ako dito.
Tumango lang siya.
"Bakit niyo po pala ako pinatawag? At bakit po ninyo ako pinapunta rito?" pagtatanong ko.
"Diretchahan, Elianna, may nililihim ka ba?" nagulat ako sa tanong ni Prof. Fenelope sa akin.
"Ano pong tinatago?" pagtatanong ko.
"Mga sekreto mo na hindi mo masabi sa amin o kay Prof. Valderama," sabi ni Prof. Fenelope.
"Wala naman po akong sekreto," sabi ko.
Bawal ako mag-isip ng sobra dahil baka marinig.
"Bakit bawal ka mag-isip? Talagang may tinatago ka?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Prof. Fenelope.
"Wala nga po, bakit niyo ba ako iniinterrogate? Ano po bang kasalanan ko? Suspect po ba ako sa nangyari kay Gwen or kay Reign?" pagtatanong ko.
"Nasaan ang tattoo mo?" diretsong tanong ni Prof. Fenelope.
Nanahimik ako.
"Hindi kita sasaktan, kailangan lang naming makompirma kung ikaw ba ang living soul crown dahil kailangan na naming maprotektahan, maihanda ito. Nalalapit na ang araw na papasukin tayo ng Mephistopheles dahil siguro alam na nila na buhay pa rin ang living soul crown," sabi ni Prof. Fenelope.
Nakatingin lang ako sa kaniya.
"Ellianna, ginagawa namin ito para maprotektahan ang natitirang lahi ng Aether at para makabawi sa mga namayapa dahil sa kaguluhan noon na hindi man lang namin nagawang protektahan," sabi ni Prof. Fenelope.
"Wala po akong tattoo na pinagsasabi niyo, hindi ko alam ang pinagsasabi niyo at huwag niyo po sana akong pilitin. Irespeto niyo naman po ang sinasabi ko," diretsong sabi ko.
"Katulad ka na'ng iyong ama, Elianna. Matigas ang loob, magaling at madignidad. Sige, sa mga susunod na araw ay kakausapin pa kita. Pwede ka na umalis at sana pag-isipan mo kung ikaw man ang living soul crown.
"Okay," matigas na sabi ko at umalis na.
Talagang hindi ako nag-isip habang naglalakad sa wall of thoughts, sa makipot na daan na iyon para hindi mabasa ang nasa isipan ko. Parang harrassment naman ang ginagawa nila, kailangan pang alamin ang nasa isip ko.
You can't deal a person na walang tiwala sa iba at mataas ang walls ng trust issues. Kahit anong pagmamakaaawa or pagpupumilit mo, kung ayaw niya talagang magtiwala, hindi siya magtitiwala. Kasalanan din nila, ng paaralang ito, ng mga taong pinagkatiwalaan ng pamilya ko or ako kung bakit ako ganito.
Hindi ko maintindihan bakit ako naggagalit.
"Eli,"
Hanz?
"Uy Hanz, bakit?" pagtatanong ko.
"Ahm, ano, samahan mo ko sa may bandang fountain ng school, sobrang malungkot kasi ako at gusto ko na mamatay, gusto ko na'ng kausap," sabi nito.
"Ha? Sige, bakit ano bang nangyari?" pagtatanong ko.
"Napepressure na kasi ako sa paaralang ito, sobrang hindi ko alam bakit ako kakaiba, bakit ako kailangan maging iba at iba pa," sabi nito habang naglalakad kami papuntang fountain.
Nagkukwento lang siya at maya-maya'y nasa may fountain na kami. Medyo tahimik at dulo na ito na
ng paaralan. Luma at hindi na gumagana dahil wala na'ng tubig ang fountain na ito. Halos dalawa lang kaming tao dito.
"Eli, salamat sa tiwala mo ah? At least may kaibigan akong nakakaunawa sa akin," sabi nito.
Hindi ko nga alam bakit ang bilis kong magtiwala kay Hanz. Guwapo siya, mabait at sobrang gentleman, sinong hindi maiinlove diba?
"Wala iyon, basta ikaw," sabi ko.
"Alam mo, itong fountain na ito, very historical para sa akin," sabi ni Hanz.
"Bakit?"
"Kasi dito pinatay ang aking mga magulang noong bata pa ako," sabi niya.
"Sorry," sabi ko.
"Wala iyon, ay teka, dito ka lang babalik ako agad, may dinala pala ako para sa iyo," sabi nito.
"Sige,"
Pinagmasdan ko siyang umalis sa paningin ko sabay baling ng tingin sa fountain.
Nag-antay ako sa kaniya.
Parang may mahapdi sa braso ko.
Nagulat ako dahil tumatagos ang napakaraming dugo. Nanginginig ako dahil tinanggal ko ang knife sa may braso ko. Lumingon ako sa likod at nakita ko ang isang taong naka itim na roba at may pulang lining sa ilalim nito na tumakbo paalis.
Hindi ako makahinga.
Natanggal ang concealer na nilagay ko upang takpan ang katago-tagong tattoo ko sa mga braso na kagaya ng isang living soul crown. Sobrang lalim na hinga ang ginawa ko habang pinipilit na maglakad paalis sa lugar na iyon. Ramdam ko na sobrang diin ng pagkakasaksak sa akin.
"Hanz?"
"Reign?
"Gwen"
"Mama, papa,"
Nanghihina na ako.
Grabe ang tagos ng dugo.
Nanginginig na ang tuhod ko kaya napaluhod na ako.
"Eliiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii," isang lalaki ang narinig ko na sumigaw ng pangalan ko at nagblack-out na lahat.
___________________________________________________________________________________________________
Unknown POV
"Magaling, ngayon nakompirma na natin na buhay nga talaga ang living soul crown. Anak, maghanda ka na sa tamang panahon at oras ay maipapakilala ko na sa iyo ang living soul crown, HHAHAAHAHAH," humalakhak ako na'ng malakas kasabay ng halakhakan ng aking mga disipulo sa gilid.
"Ama, bakit po ako? Ayoko na po gumawa na'ng masama," sabi na'ng anak ko.
Tumigil ako sa pagtawa at ibinaba ang aking wine glass sabay lumapit sa anak ko. Hinawakan ko ang mga braso niya at tinignan sa mata.
"Hindi iyon masama. Ang gagawin mo ay ang pagliligtas sa lahi natin at ikaw lang ang susi no'n anak. Maraming kalahi natin ang umaasa sa iyo. Huwag kang mag-alala makikilala mo ang living soul crown bago tayo gumawa ng hakbang paano siya at ang buong nang-api sa ating lahi at ang naging dahilan sa pagkamatay ng ina at ibang kalahi mo," sabi ko.
"Ipaghihiganti ko si Ina, kailangan ko na muna makilala iyang living soul crown na iyan," sabi na'ng anak ko.
"Sa tamang pagkakataon. Pasalamat tayo sa kapatid mo dahil siya ang nakatuklas kung sino ang living soul crown. Talagang mga anak ko kayo, magagaling," pagbati ko.
______________________________________________________________________________________________________
Pumunta ako sa piitan kung nasaan ang mag-asawang Aetherian.
"Malapit na Eduard, malapit na kayong magkita-kita dahil nakilala ko na ang living soul crown," sabi ko.
Nanlaki ang mga mata nila. Umiiyak na si Alice.
"Ang anak natin," pabulong na sabi ni Alice.
"Gago ka, hindi ka magtatagumpay sa plano mo!" sigaw ni Eduard.
"Anak niyo pala ang living soul crown? Napakaswerte naman, isang pipitchugin na gaya niyo ay magkakaroon ng anak na tagapag-ligtas daw ng lahi ng Aether pero sad naman dahil hindi na mangyayari iyon dahil sa nalalapit na ang oras ng red and gold moon. Mapapaslang din siya huhuhu," pang-aasar ko.
"Tangina mo! Ako na lang!" sigaw ni Eduard.
"Wait, sabay sabay kayo nila Valderama, wait ka lang," sabi ko.
"MAMATAY KA NA AT ANG LAHI MO! ISINUSUMPA KO, HINDI KA KAILAN MAN MAGWAWAGI!" sigaw nito.
Ngiting pang-aasar lang ang ginawa ko sabay tumalikod na.
_____________________________________________________________________________________________________
Brea's POV
Ang sakit ng katawan ko, nanghihina ako.
Iminulat ko na'ng paunti-unti ang aking mga mata upang makita kung nasaan na ako. Naaninag ng mata ko si Reign, si Nurse Daffodil.
"Eli, okay ka lang ba?" pagtatanong ni Reign.
"Hindi ko alam," sagot ko.
"Malalim ang natamong sugat mo mula sa pagkakasaksak. Napatunayan na may pampahinang mahika ang nailagay sa kutsilyong itinusok sa iyo. Sino ba ang huli mong kasama papunta sa pinangyarihan ng aksidente Eli?" pagtatanong ni Nurse Daffodil.
"Si... si Hanz po pero umalis po siya no'n upang kunin ang ibibigay niya po sa akin. Wala po siyang kasalanan," sabi ko.
"Tatanungin na lang namin si Hanz about sa nangyari, mabuti na lamang at naidala ka dito sa clini kung hindi baka pinagpipyestahan ka na'ng mga lumot at namatay ka na dahil sa lakas ng tagos ng dugo sa-- sa.. sa iyong braso," sabi ni Nurse Daffodil.
"Dinala ka ni Xander dito, sobrang taranta siya no'ng buhat ka niya," sabi ni Reign.
"Xander? bakit siya? For sure siya ang may kasalanan, kailangan isumbong ko sa head minister siya," sabi ko.
"Wala kang ebidensya Eli, masama ang mambintang tsaka siya ang nagdala sa iyo. Siya ang nagligtas sa buhay mo," sabi ni Nurse Daffodil.
"Malay niyo pakitang tao lang para naman mapagtakpan ang nagawa niyang krimen sa akin.. Mapagpanggap yo'ng taong iyon," sabi ko.
Nanahimik sila at bigla kong napansin na nasa dulo pala na'ng clnic si Xander at tumayo siya sa kinauupuan niya at nagwalk-out.
Bakit? Siya naman may motibong saktan ako ah? Huwag siyang pakitang-tao.
Self, huwag kang maguilty.
"Minsa, try mo magtiwala at maniwala sa iba imbes na paniwalaan ang mga nasa isip mo," sabi ni Nurse Daffodil.
Hindi ko na lang siya pinansin.
Masakit ang braso ko, masama pa rin pakiramdam ko.
"Eli, pwede bang makita ang tattoo mo ulit?" pagtatanong ni Nurse Daffodil.
Nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, alam na niya ang tungkol sa tattoo ko?
Hindi naman ako ang living soul crown at nagkataon lang na may ganito rin ako.
"Wala po e," sabi ko sabay talukbong ng kumot at ipinikit ang aking mga mata. Kasalanan ni Xander ito e, kung hindi niya pinagtangkaan ang buhay ko, hindi ako magkakaganito, hindi ako masasaktan, hindi paunti-unting matutuklasan ang tattoo na mayroon ako.
Gusto ko muna magpahinga.
Nakatulog ata ako na'ng mahaba.
Pagmulat ng mata ko ay nakita ko si Prof. Valderama, Prof. Fenelope at Nurse Daffodil na nag-uusap sa harapan ko.
Gagalaw ba ako, sisigaw o ano?
Yohoohh, andito po ako.
"Eli, gising ka na," sabi ni Nurse Daffodil matapos niyang mapansin na gising na ako.
Nagbow silang tatlo sa akin.
Yo'ng mukha ko tumabingi dahil sa reaksyon ko na parang naooayan ako sa kanila.
Okay lang kaya sila?
"Ba-bakit po?" pagtatanong ko.
"Nahanap ka na rin namin, Living Soul Crown," sabi ni Prof. Fenelope.
Jusko po.
"Bakit kailangan mong itago ang iyong pagkatao at ang iyong tattoo Eli?" pagtatanong ni Prof. Valderama.
"Bakit nga ba? Wala ka bang tiwala sa paaralan o sa amin?" pagtatanong ni Prof. Fenelope.
"Sige, isipin mo maigi," pamimilosopong sagot ko.
"Siya ba talaga ang living soul crown? Eh sa ugali pa lang walang-wala na, bastos," sabi ni---
Nandito pala sa clinic itong si Prof. Agustin at nasa likod siya kaya hindi ko siya napansin. Gatungan mo paaaaaaaaaaaaaaa.
"Pasensya na po, hindi ko naman ginusto na maging living soul crown, kung gusto niyo po kayo na lang," sabi ko.
"Tignan mo, talagang masama na ang galit sa atin ng may likha dahil ipinagkaloob niya ang kaligtasan sa isang hamak na hampaslupa at masamang ugali na'ng isang batang nanirahan na pipitchuging mundo," sabi ni Prof. Agustin.
"Tama na Agustin, nauunawaan ko kung bakit ganiyan ang galit niya at walang tiwala dahil ito sa nangyari sa kaniyang kapatid at normal lang na magalit kung ganoon pero Eli, bigyan mo ang sarili mo na'ng pagkakataon na magtiwala uli, na ipakita ang kakayahan mo at ibawi ang mga napanslang na salin-lahi noon," sabi ni Prof. Valderama.
"Hindi lang sa amin nakasalalay ang kaligtasan ng mga natitirang Aether kundi nasa sa iyo rin, magtulungan tayo," sabi ni Prof. Fenelope.
"Maging malakas ka, tutulungan ka namin," dagdag ni Nurse Daffodil.
"Pag-iisipan ko po. Mahirap po ito para sa akin. Wala po akong alam sa kahit anong pakikipaglaban, hindi ko kabisado lahat o naipapamalas ang mga spells at iba pa," sabi ko.
"Mabuti at alam mo, kung may pagkakataon lang na maulit ang lahat, nawa'y ipagkaloob ng may likha ang puso at kakayahan na mayroon ang living soul crown sa deserving na tao," pang-iinsulto ni Prof. Agustin.
"Tama na," paninita ni Prof. Valderama.
"Pwede na po ba akong pumunta sa dorm? Kakausapin ko na lang po kayo kung handa na ako sa mga gampanin na ito. Okay na rin naman ako," sabi ko.
"Sige, mag-iingat ka," sabi ni Nurse Daffodil.
"Ingat at pag-isipan mong maigi, Elianna Hyacinth," makahulugang sabi ni Prof. Valderama.
Tumango lang ako at umalis na.
Ayoko sa lahat yo'ng pinipilit ako. Hindi ko naman ginusto ito tapos mag-iinaso yo'ng Agustin kesyo wala akong alam at palpak ako.
Ugghh kairita.
"Bakit naman kasi ako kung sino ka man na nagtakda sa akin, bakit ako? Wala nga akong alam, tamad, walang tiwala at iba. Marami naman diyan," sabi ko sa hangin.
"Reign, kamusta si Gwen?" pagtatanong ko no'ng makita si Reign.
Nanahimik lang siya.
"Reign? Naririnig mo ba ako? Helloooooo," sabi ko.
Masama niya akong tinignan.
"Ikaw pala ang living soul crown," malamig na sabi nito.
Napalunok ako na'ng bahagya.
Nanahimik lang ako.
"Bakit mo nillihim sa amin ng mga kaibigan mo?" pagtatanong nito.
"Anong sense kung malalaman niyo?" pagtatanong ko.
"And hindi naman ako sigurado kung ako nga e," dagdag ko.
"Kaibigan mo ba talaga kami Elianna?" pagtatanong ni Reign.
"Tinatanong pa ba iyan?" pamimilosopo ko.
"Iba pala talaga ang ugali mo," sabi ni Reign.
"Ano bang issue kung hindi ko matukoy no'ng umpisa na living keneme pala ako tapos no'ng natutuklasan ko na ay inililihim ko pa rin sa inyo? Walang sense, wala naman kayong magagawa if ever ako nga at nasa kapalaran ko na ito," mabillis kong sabi buhat ng pagkairita.
"Naririnig mo ba ang sarili mo Elianna?" pagtatanong ni Reign.
Bakas sa mga mukha niya ang frustrations.
"Oo, sorry ah? ano bang issue? Dapat bang malaman niyo lahat? Kayo nga hindi ko alam ang tungkol sa pagkatao niyo e, nagdrama ba ako?" pagtatanong ko.
"You never ask, you never give me a time to share myself sa iyo. Nakafocus kami para tulungan ka," sabi ni Reign.
"Did I ask you na obligasyunin niyong tulungan ako? It's priviledge not an obligation," sagot ko.
Naluha si Reign sa nasabi ko. Kumurot sa puso ko ang makitang nasaktan ang itinuring kong kaibigan.
"Grabe ka magsalita, wala kang tiwala sa amin, sa akin. Kapag may pagkakataon, I share my life with you," sabi ni Reign.
"Bukas na lang tayo mag-usap, isipin mo mga dinadrama mo today para magets mo kung gaano ka kababaw," sabi ko.
"Trusting your friend? Mababaw?" umiiyak na sabi niya.
"Baka kasi naiinggit ka---"
Sinampal ako ni Reign.
"I regret of treating you as my friend and my sister," sabi niya sabay takbo paalis.
Napasobra ata ako sa mga sinasabi ko.
Nagflashback sa akin ang lahat ng mga nangyari sa aking noong bata ako.
(Flashback)
"Alam mo, kaya siguro hindi ka pinag-aral ng magulang mo kasi wala kang future," pang-aasar sa akin ni Melody.
"Okay. Ikaw, pinag-aral ka nga pero future nanay naman ang aabutin mo lol," sabat ko.
"Kaya ka walang kaibigan e kasi matabil 'yang dila mo," pikon niyang sabi.
"Hindi ko naman kailangan ng kaibigan lol, hindi naman sila essencial sa life ko noong sinilang ako noh," sabi ko.
Umalis na ako at tumakbo sa may puno kung saan ako mahilig tumambay kasama na'ng kaibigan kong nakatiis sa akin at sumasama sa akin na si Kish.
Simula bata, laging pinupuna na masyado daw akong prangka, matabil dila at kung anu-ano pa. Siyempre, nilinang ko ang sarili ko sa isang pagkatao na hindi nagpapaapi noh. Tsaka hindi ko alam bakit simula noong nagka-isip ako ay nasa soul ko na ang hindi magtiwala sa kahit sino.
Lahat ng tao pinagdududahan ko at mahilig din akong mag white lies bilang proteksyon sa mga tao sa paligid. Ewan ko ba, bata pa lang ako feeling ko ang mature ko na.
Thankfully may isa akong kaibigan na nagstay sa akin even if I don't trust her and I'm not so showy sa aming friendship.
(end of flashback)
Dinala ako na'ng mga paa ko sa may roof top ng Hadezar Building.
Feeling ko ang sama-sama kong tao. Kaya siguro nilalayuan ako before at si Kish lang ang nagstay.
Ngayon, dito sa Aether, sila Reign at Gwen yo'ng nandiyan para sa akin pero sinasayang ko. Bakit kasi wala akong tiwala?
Napayuko sa sa sobrang pagkafrustrate at sumigaw.
"aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"
"Eli?"
Nagulat ako dahil nasa gilid pala si Xander. Nakakapanibago ang kaniyang aura. Hindi siya mukhang may balak na gagawin at naging maamo ang kaniyang pagtingin.
"Oh? Ano?" iritableng sabi ko.
"Oh, kalma ka lang. Minsan sa buhay kailangan hindi ka mag-isa kung may kinahaharap or dinadala ka," sabi niya sabay abot ng isang tin can ng soft drinks.
"Ano iyan? Baka prank na naman iyan o ipapahamak mo ko, please huwag ngayon. Napapgod din ako," sabi ko.
"Grabe, ganoon na ba talaga kasama ang tingin mo sa akin? Na wala akong gagawing mabuti sa kapwa ko at wala akong chance to change?" galit na sabi niya.
"Aba malay ko sa iyo, ikaw laging nagpapahamak sa akin," sabi ko.
"Niligtas kita,"
Mahinahon niyang sabi.
Naalala ko ang mga sinasabi ni Nurse Daffodil na siya ang nagligtas at nagdala sa akin sa clinic.
"Bakit kailangan ko ba ikaw? Hindi naman diba?" banat ko.
"Bakit-- bakit ang tigas-tigas mo? Tapos ang dali mong magtiwala at makipagkwentuhan sa Hanz na iyon?"
Bakit naman nagagalit siya? Pero sabagay, bakit si Hanz pinagkatiwalaan ko over kila Reign and Gwen. Ganito na ba ako kabobo?
Napalunok lang ako.
"Alam mo, open your eyes naman para sa mga mas concern sayo sincerly hindi yo'ng gaganyanin mo na'ng attitude dahil hindi nakakagana na'ng loob na maging kaibigan mo kung ganiyan ka," banat niya.
"Bakit kailangan ko ba na'ng kaibigan?" bwesit na pagtatanong ko.
"So how about Reign? Gwen? pinapakinabangan mo lang sila because you are new here?"
Nasampal ko siya sa sobrang pagkapikon.
"Ang sakit na na'ng mga sinasabi mo ah!" banat ko.
"Mas masakit ang pinagsasabi mo, triple ang sakit na impact sa mga taong gustong magcare sa iyo at nagbago for you!" sigaw niya sabay talikod at umalis na.
Bigla akong nahimasmasan sa mga nasabi ni Xander.
Ganoon ba ako kaselfish? Kapangit kaibigan at iba pa?
Umiiyak ako dahil sa sobrang pagkafrustrate.
"Aacccccccccccccccccccccccckkkkkkkkkkkk!"
Wait bakit parang uminit?
Ang init ng katawan ko.
Tinignan ko ang mga kamay ko at paunti-unti kong nakikita ang red and gold orbs na lumalabas sa mga ito.
Kinabahan ako, agad kong ikinalma ang aking utak at emosyon dahil ayokong may mangyaring masama sa akin.
"Living Soul Crown, ikaw nga," sabi ni Prof. Valderama sa likod ko.
Agad akong humarap sa kaniya at nakita ko siyang lumuhod.
"That's the spirit of anger and love, red and gold. Learn to unleash all your powers because you need it to save your family and to save yourself and the entire Aether. Don't force yourself, learn to trust yourself para matuto kang itrust ang ibang tao, you will become better sooner Eli," sabi ni Prof. Valderama.
Niyakap ko si Prof. Valderama, naalala ko si Papa. Naaalala ko kung paano niya ako imotivate before kapag may mga bagay akong kinakatakutan itake na'ng risk. Sana nandito si Papa dahil miss na miss ko na sila ni Mama.
Hinipos ni Prof. Valderama ang ulo ko.
"It's okay Eli, be brave. You're future and your family needs you. I hope that what you experience today will be your greatest lesson tomorrow. Just cry and vent it out," sabi ni Prof. Valderama.
Umiiyak lang ako dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.
Umalis ako sa pagkakayakap.
"If you're feeling low, you can go to my minister. You can treat me as your second dad," nakangiting sabi ni Prof. Valderama.
Nakangiti lang ako.
"Uunahan na kita dahil lagi kang nadodoubt, itong pinapakita ko sa iyo ay hindi dahil sa may kailangan ako o dahil sa living soul crown ka. Pinapakita ko sa iyo ito dahil gusto kong maramdamdaman mo kung gaano rin kahalaga sa akin ang iyong ama na kaibigan ko," sabi nito.
Tumango lang ako.
"Sige na, aalis na ako," sabi ni Prof. Valderama
Tumalikod na siya at humakbang papalayo.
"Prof! sandali," sabi ko.
Napatigil siya mula sa malayo at tumingin sa akin.
"Tinatanggap ko na po ang resposibility as Living Soul Crown," sabi ko.
Nakangiti lang siya.
"Bukas ipapatawag kita, magpahinga ka na muna ngayon," sabi nito sabay tuluyan na'ng umalis.
Bumalik na ako sa dorm.
Nasa pintuan na ako at nakita kong kumakain habang tumatawa sa pinanonood si Reign.
"Ahhm, hi," sabi ko.
Noong nakita niya ako ay dali-dali niyang kinuha ang plato at pagkain niya at pumasok sa loob ng room.
Iniiiwasan niya talaga ako.
Narealized ko naman ang ugali ko kanina dahil sa sinabi ni Xander. Alam kong sobrang toxic ako at dapat ako layuan pero ang hirap maging mag-isa.
Ang hirap kapag wala na yo'ng mga nakasanayan mong tao na nandiyan para sa iyo.
Masyado ko kasi silang tinake advantage.
Magpapahinga na muna ako, may bukas pa naman.
May kumakatok sa pintuan.
"Sino 'yan?" pagtatanong ko.
Kumakatok pa rin ito.
Hindi ata ako naririnig.
Binuksan ko ang pintuan at nakakita na'ng isang black envelope.
Walang nakasulat sa likod or harapan.
Pagbukas ko ay nakita ko ang isang handwritten na sulat at may pahid ng dugo????
Dugo ba ito???
Magandang gabi Binibining Elianna,
Ikaw pala ang Living Soul Crown kaya pala naamoy ka kaagad no'ng isa sa mga head ng Mephistopheles noon at napuntahan ka diyan.
Magandang pambungad na paunti-unti kong kilala ka, huwag kang mag-aalala, makikita at makakatagpo mo na rin ako bago ka at ang iyong lahi mamatay.
Iyang dugo ay ang mga dugo na'ng iyong Ama at Ina, hindi ko pa sila pinapaslang dahil gusto ko reunion kayo.
Maghanda ka na dahil sabik na akong makita ka.
Nagmamahal,
H.
Hawak nila ang mga magulang ko?????
Anong gagawin ko???
Natatakot ako..
Eli, huwag kang padadaig, kapag nagpadaig ka sa takot ikaw ang mahihirapan.
Tatagan mo ang loob mo.
Inilock ko maigi ang pintuan at bintana at pinatay ang ilaw para isipin ng mga kung sinong elemento sa labas na walang tao.
Bukas, need ko ipakita ito kay Prof. Valderama.
Mas need ko ngayong maghigpit sa aking sarili.
Ang hirap, sanay naman ako matakot mag-isa pero noong nakilala ko sila Reign, sobrang nagbago ang buhay ko. Ngayon na lumayo na ang loob niya sa akin, pakiramdam ko sobrang bigat na mag-isa.
Wala na nga ang aking mga magulang sa tabi ko, wala pa ang mga kaibigan ko.
Siguro, sobrang masama talaga akong tao.
Kung masama ako, bakit pa ako pinili na magkaroon ng gampanin na ganito.
Kinapa ko ang bahagi kung nasaan ang aking tattoo.
Maya-maya ay nagliwanag ito at biglang may sandamak-mak na light orbs ang tumambad sa aking harapan at bumuo ng hugis babaeng nakapang-diwata ang itsura.
"Dahil mabuti ang puso mo at naniniwala ako dito," sabi no'ng babae.
"Sino ka?" pagtatanong ko.
"Ako ang iyong gabay at ako ang pumili sa iyo, maniwala ka Eli gaya na'ng paniniwala ko sa kabutihan na taglay ng puso mo. Huwag kang mag-aalala, gagabayan kita at hindi kita pababayaan gaya na'ng paggabay at pagprotekta sa akin ng iyong kapatid," sabi nito at tuluyan ng nagdisperse ang orbs at bumalik sa braso ko.
Tiwala..