Someone's POV "Kamusta at mukhang abala ka sa pagmamasid sa ating kalaban, pinuno?" sabi na'ng alagad ko. "Hindi ako abala, sila ang abala sa paghahanda para sa paparating na takdang panahon upang sila'y lipulin at paslangin," sabi ko. "Talagang natatakot na sila sa ating pananakop at pagpupuksa pinuno," sabi nito sa akin. "Talagang matatakot sila dahil hawak natin ang kapalaran nila at wala silang magagawa upang baguhin iyon," sabi ko. "Kung hawak na natin ang kapalaran at hindi na nila mababago, bakit kailangan pa nila maghanda? Hindi ba't nagsasayang lamang iyon sa panahon?" pagtatanong nito. "Tama, nagsasayang lang sila sa kahahanap sa walang silbing Soul and Living soul Crown. Mamamatay lang din naman sila lahat HAHAHAHAH," __________________ VALDERAMA'S POV "Nabalitaan ko na

