REIGN'S POV Madilim. Iyon ang unang bagay na naramdaman ko. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko rin alam kung gaano na katagal akong walang malay. Ang tanging naririnig ko ay isang malalim na t***k. Boom. Boom. Boom. Parang may puso sa ilalim ng lupa. Napakabagal. Pero napakalakas. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko. Masakit. "Aray..." "Reign?" Napadilat ako. Malabo ang aking paningin. May nakayuko sa harapan ko. Si Eli. "Reign!" Agad siyang tumayo. "Guys! Gising na siya!" Maya-maya, narinig ko ang mabilis na mga yapak. Si Gwen. Si Otep. Si Xander. At— Ken. Napatingin ako sa kaniya. Agad siyang huminto. Hindi siya lumapit. Good. Hindi ko pa kayang harapin siya. "Nasaan tayo?" tanong ko. "Sa old training chamber," sagot ni Eli. "How did I get here?"

