Chapter 2

2171 Words
"THEY'RE going to be okay, so don't worry." Sabi ni Julie kanya habang nakadungaw siya sa bintana ng private plane. Nakaupo ito sa tapat niya habang abala sa pagta-type sa laptop nito. Ilang minuto na lang ay palipad na sila papunta sa Pilipinas kaya mas lalong hindi siya mapakali at nahihirapan siyang hindi alalahanin ang mga nangyari in the past. "Kung hindi ka pa handang bumalik sa Pilip—" "It's not about if I'm ready or not, Jules. Sa totoo lang, wala na naman talaga akong balak tumapak pa ulit sa Pilipinas since wala na namang dahilan para bumalik pa ako. Nasa London na ang buhay ko at ang lahat ng mahalaga sa akin, in terms naman sa mga ari-arian na iniwan sa akin nina Lolo Neo ay may maaasahan akong mga tao na mangangasiwa ng mga iyon kaya wala talagang dahilan. Unlike you who still have your family to visit there." Aniya nang walang eskspresyon. Nakilala niya si Julie noong ilang linggo pa lamang siyang nanatili sa London, isang waitress ito sa isang cafe na malapit lang sa Crest International Conglomerate na siyang minamanage ng Kuya Erick niya. Naikuwento nito sa kanya na may tinataguan daw itong isang makapangyarihang tao kaya napadpad ito sa London kaya naikuwento na rin niya ang mga nangyari sa buhay niya kaya alam nito ang lahat tungkol sa kanya. Nasa Pilipinas pa rin ang pamilya nito, nasa probinsya ng mga magulang nito sa Visayas kaya paminsan-minsan ay umuuwi ito para makasama ang pamilya nito roon buti nga at hindi pa siya nakikita ng taong iyon. "Pero tadhana na ang gumawa ng paraan para bumalik ka at harapin ang taong iyon, after 6 years." Anito. "And maybe fate is giving me the chance to fully break-free from that man by finally putting an end to my marriage to him, since it's been long overdue." Saad niya. Yeah, it's long overdue. Kung noon ay may hesitations siya na ipawalang-bisa ang kasal nila dahil buntis siya, ngayon ay wala na kahit konting pag-aalinlangan. Isa pa, alam niyang iyon rin ang nais ni Gray para maging legal na ang relasyon nito at ng babaeng pinakamamahal nito. Ang mga ito naman talaga ang itinakda para sa isa't isa, habang isa lamang siyang malaking hadlang at kontrabida sa pagmamahalan ng mga ito na hindi naman niya ginusto. Hindi niya napigilang tiim-bagang nang maalala ang mga nangyari para siya ang maging asawa ni Gray. "We don't have any choice but to cancel the wedding even though everything have been paid and settled." Ani Tito Mason, ang daddy ni Gray. They're talking about Ate Arabelle and Gray's wedding which is two weeks from now. Bigla na lang kasing nawala ang Ate niya noong isang gabi at tanging isang sulat lang ang iniwan nito na nagsasaad na hindi pa ito handa na mag-asawa dahil marami pa itong gustong gawin na baka hindi na nito magawa kapag ikinasal na ito. "Pasensya na talaga, Mason. Hindi namin akalain na mangyayari ito, akala namin ay ayos ang lahat." Ani Daddy na haggard na haggard at hindi malaman ang gagawin. "She never showed any kind of sign of hesitations." Dagdag ni Mommy. Napabuntung-hininga si Tita Scarlet. "I'll handle calling the guests and sponsors about the wedding, I'll explain everything but this would really have a huge impact on us especially to Gray." Napatingin siya sa kinauupuan ni Gray na tahimik lang at walang kaekspre-ekspresyon ang mukha like he's lost in his own thoughts. Naaawa siya rito, hindi naman kasi niya maintindihan sa Ate niya kung bakit bigla-bigla na lang itong aatras kung kailan malapit na ang mismong kasal, akala ba niya ay mahal nito si Gray. "It also affects our family's relationship personally and in terms of business." Seryosong ani Tito. Her parents looked horrified with that statement, she could imagine what would happened to their business if the Vauxgard cut ties with them. If that happened then their other investors would surely pull their investments from company. Alam niyang unti-unti nang nalulugi ang kanilang kompanya mula nang ang Ate niya ang namahala dito kung hindi lang dahil sa pamilya ni Gray, gusto naman niyang tumulong pero lagi siyang kinokontra ng Ate niya since ano nga daw ba ang alam niya sa pagmamanage ng malaking kompanya at walang koneksyon ang kinuha niyang course noong college sa business ng kanilang kompanya na isang construction company. Pero naiintindihan naman niya ang mga magulang ni Gray, bukod sa malaking kahihiyan ito ay malaking dagok din ito sa anak ng mga ito. Nasaksihan nilang lahat kung gaano nito kamahal ang Ate Arabelle niya kaya alam niyang sobrang nasasaktan ito ngayon. "Hon, that's not necessary." Pagkontra dito ng mommy ni Gray. "Our families have been friends for a very long time, it would be such a waste if we severe ties with each other." Tito Mason glared at his wife. "So what do you suggest? This fiasco could ruin our reputation especially Gray's." Mukhang nagpipigil lang ng galit ang daddy ni Gray nang dahil sa nangyayari kaya sobrang kinakabahan at hindi malaman ng kanyang mga magulang ang gagawin para mapakalma ito since kahit ata ang asawa nito ay walang magagawa. Tita Scarlet sighed. "Honestly, I don't know. We can just postpone the wedding since Ara isn't ready yet, let's give her time." "No! That's absurd." Medyo pasigaw nang saad ni Tito Mason. "Mason, please huwag naman sanang maapektuhan ang business partnership natin nang dahil dito." Mangiyak-ngiyak na pakiusap ng kanyang mommy. "Humihingi kami nang pasensya sa ginawa ng anak namin pero babagsak ang kompanya namin kapag umatras kayo sa partnership." Mukhang nahihirapan din ang Tito Mason niya sa gagawin since matagal nang matalik nitong kaibigan ang mga magulang niya pero reputasyon ng pamilya nito ang nakataya rito. Naiintindihan niya kung anuman ang maging desisyon nito, siguro naman ay may magagawa pa sila para sa kanilang kompanya kahit na maputol ang koneksyon nila sa mga Vauxgard. Nagulat siya nang magtama ang mga mata nila ng daddy ni Gray, nakatayo lang siya sa may b****a nang hagdan habang nakamasid sa pag-uusap nang mga ito at ayaw niyang makisali dahil baka mapagalitan na naman siya ng kanyang mga magulang. "Then, I have a proposal." Ibinalik na ni Tito Mason ang tingin sa kanyang mga magulang. "Liza, hija, can you please join us." Nabaling ang tingin nang mga ito sa kanya maging ni Gray kaya napilitan siyang lumapit sa kinaroroonan nang mga ito at umupo sa bakanteng upuan. "B-Bakit po, Tito?" Kinakabahang tanong niya. "The only solution to our dilemma is to continue with the wedding but the bride will be Liza." Iyon ang isinagot ng daddy ni Gray sa tanong niya na ikinabigla nilang lahat. "What?! Paano naman si Ara pagbalik niya, Mason?" Medyo pasigaw na usisa nang mommy niya. "Mahal na mahal ng anak namin ang anak mo at alam nating lahat na ganoon din ang nararamdaman ng anak mo sa anak namin." "Besides, hindi mo man lang ba tatanungin ang opinyon ni Liza ukol rito? Hon, we're talking about marriage here, not some business deal that can be cancel that easily." Kontra rin ng asawa nito. "If you disagree then I have no choice but to cut ties with you in both terms, so you choose." Tito Mason firmly stated. "Hon! That's not fair." "My decision is final." Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kaya napatingin na lang siya kay Gray na nakatingin na din pala sa kanya nang sobrang talim, ramdam niya ang galit at matinding pagkamunhi sa mga mata nito para sa kanya na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Napangisi si Julie. "And maybe, you'll meet the right man for you there that's why fate wants you to return." Pinutol nang sinabi nito ang pagbabalik tanaw niya na pumukaw sa atensyon niya. "Right man?" She smirked. "I don't think I will ever want a man in my life in that term. Binura ko na sa buhay ko ang parteng iyon, ang mga anak ko na lang ang pagbubuhusan ko nang lahat ng unused na pagmamahal ko." "But as they say, love moves in mysterious ways." Pagbibiro pa nito. Love? Ang tanging pag-ibig na lang na pinaniniwalaan niya ay ang pagmamahal sa kanyang pamilya at mga kaibigan pero ang pagmamahal na tulad nang inilaan niya sa taong iyon ay sa nobela at teleserye lang nag-e-exist hindi sa totoong buhay. Kahit na ginawa na niya ang lahat para maging isang mabuting asawa rito at ibinuhos na niya rito lahat nang pagmamahal na wala na siyang itinira para sa kanyang sarili ay nagawa pa rin nitong ipagtabuyan at abandonahin siya para lang sa babaeng mahal nito. Sa ilang buwan nilang kasal ay iniiwasan siya nito na tila hindi siya nag-e-exist sa mundo at buhay nito. Magkasama nga sila sa iisang bubong at iisa ang kuwartong tinutulugan nila pero para lang siyang hangin para dito na dinadaan-daanan nito at madalas pa na wala ito sa kanilang bahay, aalis nang maaga at uuwi nang gabing-gabi saka kung minsan ay hindi pa ito umuuwi. May nangyayari lang sa kanila kapag nakainom ito at ang masakit pa ay ang pangalan ng babaeng mahal nito ang palaging sinasambit nito. That's hell for her, it hurts so much. "Why are you still awake?" Sobrang lamig na sabi nito. Kararating lang ni Gray mula sa kung saan, talagang hinintay niya ito kahit alas-dos na ng madaling araw para kausapin ito dahil hindi na yata niya kaya ang pagtrato nito sa kanya at para maintindihan niya kung bakit ganito ito sa kanya na parang napakalaki ng kasalanan niya rito, makita lang yata siya o marinig nito ang boses niya ay naiirita na agad ito. "Hinihintay kita. Gusto sana kitang makausap, Gray." Hindi mapakaling sagot niya rito. Dapat niyang batiin ang kanyang sarili dahil hindi siya nautal kahit na sobra-sobrang kaba ang nararamdaman niya. She had been gathering a lot of courage all day just to be able to talk to him about everything especially their relationship. Besides, she have the rights to know why he had been treating her like this. Bumuntung-hininga ito sa sobrang inis. "Pwede bang bukas na lang natin pag-usapan kung anuman yang gusto mong pag-usapan, I'm beat." Nagpalis siya ng bara sa kanyang lalamunan. "Kailangan na talaga nating mag-usap ngayon dahil kung ipapagpabukas pa natin ay baka hindi ko na masabi ang mga dapat ko sabihin." He glared at her. "What the hell is it?! Get to the point, I really want to rest." She gulped again. "I just want to know if what I did wrong for you to treat me like I don't exist, pwede bang ipaintindi mo sa akin kasi hindi ko talaga alam kung ano iyon." He smirked at her with a much intense glare. "Sa dami ba ng masamang ginawa mo ay hindi mo na maalala kahit isa man lang doon? Siguro nga sa akin ay wala kang ginagawa pero kay Ara baka kulang pa ang isang ream ng bondpaper kung ililista natin lahat ng ginawa mong hindi maganda." Anong sinasabi nito? Mas lalo niyang hindi maintindihan dahil wala naman siyang ginagawa sa nakakatandang kapatid niya na kahit ano, kung tutuusin ay ito pa ang maraming ginawang hindi maganda sa kanya. Pero hindi na dapat siya magulat na sinisiraan siya ng kapatid sa mga tao sa paligid nila lalo na kay Gray dahil kahit noong mga bata pa lamang sila ay ginagawa na nito iyon kaya nga hindi siya nagkaroon ng maraming kaibigan at kahit mga kasambahay nila ay tila inis sa kanya. Gusto man niyang magpaliwanag ay alam naman niyang hindi siya nito paniniwalaan kaya pinigilan niya ang sarili dahil baka lalo lang itong magalit sa kanya. "Pasalamat ka dahil kahit napakarami ng kasalanan mo ay trinatrato pa kitang tao na hindi mo naman talaga deserve, saka pwede ba tigilan mo na ang pag-asta na asawa ko dahil sa papel lang tayo mag-asawa, tandaan mo pinakasalan kita dahil ayokong masira ang relasyon ng mga pamilya namin ni Ara nang dahil sa kagagawan mo. Tanging si Ara lang ang nararapat na maging asawa ko, kaya matuto kang lumugar." Galit na galit siyang iniwan nito sa living room habang walang tigil sa pagbagsak ang kanyang mga luha. Sobrang sakit na kahit bigla na lang umatras ang kapatid niya sa kasal ay ito pa rin ang mahal ng kanyang asawa at siya pa ang pinaparusahan nito sa mga bagay na hindi naman niya ginawa. After that talk, she just continued being his wife in paper and let him treat her the way he wanted because despite how painful her situation, it didn't change the fact that she loved that bastard and she wanted to show him that she's not what he thought she was even though it was worthless. It was really such a waste because when her sister returned, she was thrown into a hellhole that brought her in the brink of insanity then the accident that killed her grandparents happened, after all that she decided to left and never return, yet here she is on a flight going back there.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD