Pagkapasok ko sa loob ng room namin ay wala si Axle, pero pagbukas ko ng bathroom ay nakita ko itong nakatayo at bahagyang nakayuko, nakatukod ang mga braso sa bathroom sink habang nakatitig ng seryoso sa salamin at may tumutulo pang tubig sa guwapong mukha. Nang mapansin ang pagpasok ko ay napalingon naman ito sa akin, pero bigla na lang akong pinukol ng masamang tingin at muli nang tiningnan ang sarili sa salamin. Napakagat-labi naman ako. Damn. He looks mad. “Ax cutie…” I called him. Marahan na akong humakbang papalapit. “Baby Axle ko…” muli kong pagtawag sa malambing na boses. Pero hindi man lang ako nito sinagot o muling nilingon man lang. Kaya naman nang makalapit ay agad akong yumakap sa kanyang baywang mula sa likuran. “Is my boyfriend okay? May problema ba, baby Ax ko?” Kita k

