Pinilit kong hindi tumingin kay Axle habang nasa biyahe kami papunta sa hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Ayokong tumingin sa kanya dahil parang kumukulo lang ang dugo ko lalo na kapag nakikita ang kanyang nakakainsultong pagngisi. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa labas ng sasakyan habang panay ang paghikab. Inaanak pa rin ako dahil sa pagbabantay kagabi kay Spencer buong magdamag, at parang masakit ang leeg ko dahil sa hindi tamang posisyon ng pagtulog kagabi. “Mukhang inaantok ka pa? Why don't you sleep first? I'll just wake you up when we arrive,” Axle suggested. Mukhang napansin na nito ang panay kong paghikab. “Mind your own business, mata ko 'to kaya ako ang masusunod kung gusto ko bang ipikit o hindi!” masungit kong sagot at pinukol pa siya ng masamang tingin. And

