Saglit akong napapikit para mawala ang pagkahilo ko bago sinalubong ng tingin si Spencer na ngayon ay napakabangis na ng tingin sa akin habang mariin na hawak ang magkabila kong balikat. Talagang siya pa ang may ganang magalit, samantalang siya rin naman ang nagsimula ng lahat. “You asked me why I cheated on you? Hindi ba ako dapat ang magtanong niyan sa 'yo? And what did you say? Hiningi ko dapat ang paliwanag mo?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at dinuro na siya sa dibdib. “Para sabihin ko sa 'yo, sa simula pa lang ay hiningi ko na ang paliwanag mo. Pero anong sagot ang nakuha ko mula sa 'yo? Of course, you already know.” I smiled bitterly while trying to meet his gaze. “Ang totoo niyan ay memorize ko na ang sasabihin mo, ang isasagot mo sa akin kapag hiningi ko ang paliwanag mo, n

