SALUBONG ang mga kilay ni Yael habang nakatitig sa screen ng kanyang tumutunog na phone kung saan nakikita niya na director ng ahensya ang tumatawag. Ayaw niya sanang sagutin ito dahil alam niyang babawiin na naman nito ang binigay nito sa kanya na one week vacation, pero nang muli itong tumawag ay napilitan na siyang sagutin. “Yes, sir?” “Agent 0092, Yael Scott, you have an important mission.” Napapikit na lang siya sa narinig at napamura sa kanyang isip. Damn it. Hindi nga siya nagkamali ng hinala. “But, sir— “This will be your last mission. And after this, I will make your vacation one month instead of one week.” Tila bigla naman siyang nabuhayan. “Sure, sir, just send it to my email.” Pagkatapos ng tawag ay may email nga dumating sa kanya galing sa kanyang boss. Pero napamura n

