Shen's Point of View “KUMUSTA NA ANG PAKIRAMDAM MO? Nainom mo na ba ang gamot na binigay ko sa 'yo?” Spencer asked me, kasalukuyan na kaming nasa dining area at kumakain na ng lunch. Two days na kaming walang labas-labas ng bahay para lang hindi malaman ni Lolo na hindi natuloy ang aming second honeymoon dahil umuwi agad kami galing Palawan. Siguradong magdududa si Lolo kapag nalaman, kaya napagkasunduan na lang namin na huwag munang lumabas pansamantala. “Bakit mo tinatanong kung kumusta na ang pakiramdam ko? Inaasahan mo na ba ang pagkamatay ko this month?” mapakla kong sagot matapos humigop ng mainit na sabaw ng nilagang baka. Hindi na lang pinatulan ni Special ang pagsusungit ko, bagkus ay sumilay ang tipid na ngiti sa labi nang makita ang magana kong paghigop ng sabaw na kanyang

