YTBSA - CHAPTER 2

2726 Words

AKALA ko ay mahal ang singsing na nakuha ni Jemma sa loob ng pato dahil napaka-unique ng design nito, pero nang makahanap na ako ng shop ay binili lang sa akin sa halagang 200 pesos, dahil mumurahing silver lang naman daw, maganda lang ang design. Medyo disappointed ako ng konti pero okay na rin kaysa wala, malaking tulong na ang 200 pesos; apat na kilong bigas na rin ang mabibili. Ngayon ay pauwi na ako sa bahay at may bitbit na namang supot na naglalaman ng dalawang kilong bigas. “Hey, parekoy!” Nagulat pa ako nang bigla akong akbayan ni Homer. “Nakakagulat ka naman, bigla-bigla ka na lang sumusulpot.” Mahina ko itong siniko na kinatawa naman nito. “Saan ka ba galing, pare? Nasauli ko na ang basket mo sa bahay niyo kanina kaso wala ka, ang sabi ng kapatid ay may binenta ka raw import

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD