Third POV KINABUKASAN ay napilitan si Axle na tuparin ang kanyang pangako kay Shen na uuwi na sila. Ang totoo ay ayaw niya pa sana itong ibalik dahil mas gusto niya pa itong makasama, pero ayaw naman niyang magtampo ito sa kanya at magalit lalo't buntis pala ito. Kaya naman sakay ng Porsche boat ay umalis na sila ng yacht at dumaong sa kanyang private resort kung saan naroon ang kanyang car na naghihintay. Ilang oras pa silang nanatili sa resort dahil panay ang pagsuka ni Shen na mukhang nahilo sa biyahe. Lubos naman ang pag-aalala niya, kaya imbes na umuwi agad ay idinaan niya pa ito sa ospital para lang ipa-check-up sa kanyang kakilalang doctor. At kung kagabi ay masaya siya sa natanggap na balita, mas dumoble ang saya niya nang sabihin sa kanya ng doctor na buntis lang si Shen kaya no

