Chapter 1
One year later...
Shalen Maei Retondo
"Gising na ang baby na 'yan, ah." Sabi ko ng narinig kong tumawa si Angelo. Naka upo ako sa kama habang nag aaral para sa exam namin habang si Angelo ay nakadapa sa dibdib ko. At syempre naka yakap ang isa kong kamay kay Angelo.
Nilapag ko muna ang notebook ko at binuhat siya at tumayo.
"Hi, baby! Gutom ka na ba? Hmm?" Ngumiti lamang ang bata. Ang cute cute talaga. Nakita tuloy ang kanyang dalawang biloy. Ang gandang lalaki talaga, oh. Ang ganda ng kulay ng mata, mana sa papa niya.
Grabe ang pinagdaanan naming pamilya noong dumating si Angelo pero kahit ganoon ay mahal na mahal namin siya. May nawala man, mayroon namang dumating at iyon ay si Angelo.
"Hay, saan kaya ang daddy mo, no?" Sabi ko kay Angelo. Nagulat pa ako ng bigla itong pumalahaw ng iyak.
"Angelo, shhhh sorry na." Naiiyak na tuloy ako. Halos isang oras pa bago siya tumigil sa pag iyak. Pinatulog ko muna siya sa crib bago ako naligo may pasok pa kasi ako.
Tinawagan ko muna si kuya para may pag iwanan ako kay Angelo 'di kasi pwede na isama ko siya, malapit lang naman ang bahay nila kuya.
"Kuya, i-iwan ko ulit d'yan si baby Angelo, ah. 'hindi ko kasi pwedeng dalhin sa school tyaka may trabaho pa ako mamaya. Hehe." Narinig kong ngumisi ang nasa kabilang linya si ate ang nakasagot sa tawag.
"Hay nako, Shalen. Pwedeng-pwede, anong oras pupunta ang baby Angelo namin?" She baby talked. Pareho kaming natawa sa iniasta niya. Siya ang asawa ni kuya, 3 months na siyang buntis at si kuya naman ay work from home muna para daw maalagaan niya ng mabuti si ate.
"Maya-maya, ate. Hintayin ko lang muna magising." Pagkasabi ko noon ay nag salita si Angelo.
"M-ma."
"Ate, papunta na kami d'yan gising na pala si baby. " Sabi ko habang nakatingin kay Angelo. Ngumiti naman siya sa 'kin. Ngumiti din ako sa kanya pabalik.
"Oh. Sige, sige."
Kinamusta ko muna siya bago ko ibinaba ang telepono.
"Hi, baby. Dadalhin kita kay kuya muna, ha? Pupunta kasi ako sa school, e. Tyaka may trabaho din ako mamaya, pero uuwi ako agad, ha?" Sabi ko kay baby habang hinihimas ang kanyang buhok. Ngumiti naman siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"M-ma."
"Tara na, baby. Baka malate pa si Mommy, e."
Binuhat ko siya paalis sa crib niya at binitbit ang bag ko bago ko ni-lock ang pinto ng bahay. Nasa kanto na kami ng may nakita akong pamilyar na lalaki na nakatingin sa 'min pero nabaling ang tingin ko ng halikan ako sa pisngi ni Angelo.
"Hihihi." Sabi niya pag tingin ko sakanya. Nginitian ko naman siya agad.
"Ikaw baby ka, ha. Chansing ka. Tara na nga." Tawa tawa lang siya sa sinabi ko.
"Tae po ay este tao po!" Humagikgik naman si Angelo sa sinabi ko kaya kinilito ko siya.
"Ikaw, ha. Kanina mo pa ako tinatawanan. Dalhin kita sa Daddy mo, e." Sabi ko. Nagbibiro lang naman ako, e. Tapos bigla siyang umiyak sakto naman na lumabas si kuya.
"Oh, Shalen. Bakit umiiyak si Angelo?" Kunot noong tanong niya habang palapit saamin. Nataranta tuloy ako.
"K-kuya, binibiro ko lang naman siya, e." Pagkasabi noon ay unti unting tumigil ang pag iyak niya at yumakap sa leeg ko habang humihikbi. Pinunasan ko muna ang luha niya bago kami pumasok sa bahay nila kuya at sinabing mamaya pa ako makakauwi. Dala ko din ang teddy bear ni Angelo baka kasi hanapin niya.
"Bye, baby!" Sabi ko. Winagayway naman ni Angelo ang teddy bear niya. Nagpaalam naman muna ako kay kuya at ate bago umalis.
Habang nasa jeep ay iniisip ko ang mga inaral ko, next month pa naman ang exam na iyon pero mas maganda kung ma-re-review ko ng maaga.
May naalala tuloy ako na ganoon din ang ginagawa, siya ang nag turo noon sa 'kin actually. Tuwing naaalala ko siya ay nami-miss ko lamang siya.
"Okay, class. We will be having a long quiz later, so ready your intermediate paper. Class, you still have 50 minutes to prepare so godbless, and bago ko makalimutan, hindi ako ang mag bibigay ng mga tanong sa quiz niyo kasi may ginagawa ako sa office. Wala bang magtatanong?"
Agad umiling ang mga kaklase ko. Mamaya sila iyan mag rereklamo pag labas ng teacher, tsk. Ng makita na walang naman interisadong magtanong ay agad itong lumabas at nagkagulo na ang buong klase.
"Ano?! Okay lang ba siya?! E, hindi naman iyon nagtuturo, anong re-review-hin natin?!" Inis na sabi ng kaklase ko.
"Oo, nga. Nakakaloka talaga si Madame." Sabi ng beki kong kaklase. Hinawi niya ang imaginary bangs niya.
Galing ng bunggad ni Ma'am, eh. Kakadating ko palang, hindi pa umiinit ang pwet ko sa upuan tapos quiz agad? Long quiz agad? ༎ຶ‿༎ຶ
Anyways, mag rereview nalang ako. As if I have a choice? Ladies Choice.
(A/n - okay corny, bye ?)
Paano ako makaka review nito kung walang pumapasok sa isip ko? Kung meron man he he. Sure ako meron! Oo, meron! Hayaan mo na nga. Nakareview naman ako ng konti tyaka dalawang oras lang naman ang klase ko ngayon at pagkatapos anim na oras ako sa trabaho. Am pa lang naman ngayon kaya ayon. Tsk
"Daph, naka review ka na?" Tanong ko sa kanya kasi naka tulala na siya sa upuan niya. Ang iba naman ay nag ra-rap ang iba ay parang nag o-orasyon.
Dahan-dahan naman itong lumingon sa akin at umiling ng dahan-dahan at tumulala ulit.
"Classmates, nanjan na si Ma'am!" Sabi niya sabay sumisigaw na tumakbo papuntang upuan niya. Nakita ko namang may naka suksok na turon sa bulsa niya. May lolipop pang subo-subo.
"Hoy!, Lolipop mo!" Sabi ng concern citizen na kaklase namin. Si Ma'am Monteverde kasi pag nakita niyang may lolipop ang students niya habang nasa loob sa ng classroom o nagtuturo siya ay kailangang pasa-pasahan para maubos.
"Good morning, class. We'll start your in 5 minutes."
"I'm Lamiel Crain Montero, anyway. " Masungit niyang sabi habang ginagala niya ang kanyang paningin sa amin. Nagtagal ang tingin niya sa akin at maliit na ngumiti sabay nag iwas ng tingin.
"Psst. Naka review ka? Pa kopya? Hihi." Bulong sa 'kin ng katabi kong lalaki. Napansin naman iyon ni sir kayankumunot ang noo niya.
"You, what's your name?" Tanong ni sir.
"Asher po, Sir." Nakatungong sabi niya.
"How about you, Miss?" Turo niya sa akin.
"Sir, Shalen Retondo po." Pagkasabi ko noon ay ngumisi siya.
Tinanong niya din ang pangalan ng kaklase ko sa unahan ng table ng teacher.
"Brianna, Sir."
Pagkatapos noon ay pinagpalit niya kami ng upuan ni Brianna, baka raw kasi mangopya sa akin si Asher. Matalino iyon, eh. Si Asher din kasi wala sa oras ang biro niya, siya kaya ang top 2 namin.
Ng matapos ang 100 items naming quiz-- literal na long quiz. Ay nag check agad si Sir ng mga papel kasi sasabihin din daw niya agad ang mga score namin.
Ang bilis niya mag check, ang seryoso niya tignan. Meron siyang suot na salamin kaya mag lalo siyang naging gwapo AAAAAA.
Napatikhim ako ng lumingon siya sa akin. Ngumuso siya at bumalik sa ginagawa.
Ng matapos siyang mag check ay kalati naman sa klase namin ang nakapasa. Ang iba naman ay kulang na lang ng isa o dalawang puntos para nasa kalahati sana.
"Ang highest ay si Miss Retondo. Isa lang ang mali niya. Congratulations!" Naka ngiting bati ni Sir. Nginitian ko naman siya at nagpasalamat.
Ang paborito kong part.
UWIAN! TOT TOT TOT
"Huy, bakit naka bag ka na? Pupunta pa kaya tayo sa office!" Malaking matang sabi ni Riza. Tsk, panira lagi, e.
Pagpunta namin sa office ay sinabi na busy daw siya kaya umalis na lang kami.
Nice ??
On the way the ako sa restaurant na pinag ta-trabaho-han ko. Nagulat pa ako ng makita doon si sir. Mukhang kanina pa siya nandoon kasi may bawas na ang pagkain niya.
"Hi, sir!" Lumingon naman siya sa akin at ngumiti.
"Oh, Shelen. Bakit nandito ka? Sinusundan mo ba ako?" Nanliit ang mata niya habang naka ngising tinatanong iyon.
"Ayy hindi po, Sir. May trabaho po kasi ang ngayon. Sige po, sir. Papasok na po ako sa Kitchen." Sabi ko at umalis na.
Pamilyar siya sa akin, feeling ko kilala ko na siya noon.
--------------
LadyDvne_ (10/03/21)